Ako Ay Batang 90's! (Baliktanaw)

in #steemitdora6 years ago

Anong taon ka ipinanganak?

Ako ay.. Sikreto.. Hahaha! Taong 1996.

Anong mga naranasan mong pampalipas oras noong nasa edad anim hanggang labing dalawang taon ka?

Kay dami kung aalalahanin! Basta ang alam ko, walang gadget na makapapantay sa saya naming magkaka-laro noong kabataan ko. :)

~~~0o0~~~

Tayo't magbalik-tanaw sa ating nakaraan.
Sinong makakalimot sa masasayang tawanan?
Eh sa mga kalaro't bahay-bahayan?
Oh yung mga pambatang awayan,
Tapos bago matapos ang araw ay magba-bati rin naman.
Kay daming halakhak na 'di matatawaran,
Mga laruang pinag-aagawan!
Di pa nga maiiwasan yung mga inggitan,
Pero di matitiis ay maghihiraman.
Maghahabulan hanggang pagpawisan,
Paano makaliligtaan ang sobrang kulay na nakaraan?

Balik tayo sa ikalawang tanong na talagang natutuwa akong alalahanin. Balikan natin mga alaala na wala pa tayong ibang problema kundi pambili ng sorbetes na tsokolate. Wala tayong ibang iniisip bukod sa kung sino ang ating makakasamang magtaya-tayaan. Kay sarap balikan ng nakaraan, kay sarap sariwain mga bagay na ugat ng malalakas na tawanan. Pati na rin yung mga asaran na kapag may napikon ay mag iiyakan, uuwi at magsusumbong. Ito ang ilan sa mga paborito kong laro.

"Patintero/Harangang Daga"
Yung mag aabang ka ng dadaan para makalusot sa mga harang. Ang matatalo ay luluso sa ilalim ng dalawang binti. Naaalala ko, paborito ko maging pwesto pag ako ang taya ay yung sa gitna. Haha!
Patintero_(Laro).jpg
Image source

"Tagu-Taguan/Hide and seek"
Naglaro kami ng ganito panahon ng araw ng mga patay, nauwi sa takutan tapos nalaglag ako sa kanal kakatago. Haha lol! lol!
daf287515ae329707093ed142bab0b6c.jpg
Image source

"Tumbang preso"
Ang galing ko dito eh! Di ko matamaan yung lata. Hahaha
_n.jpg
Image source

"Piko"
Ito kapag mainit sa kalsada, sa tapat lang ng bahay makakapag laro kaya ito ang laro lagi. Pamato ko yung ponytail ko sa buhok, tapos nung minsan yung bracelet ko ginamit ko tapos nawala! Ayun, lagot kay mama. Haha
dsc_0812.jpg
Image source

"Chinese garter"
Ito ang master kong laro. Bwahaha! Kahit leeg kaya ko. Ako bumubuhay sa mga kampi ko! :P Wahahahaha!
img_0336.jpg
Image source

"Bahay bahayan"
Sa province ko to madalas malaro, kasi pwede magkalat. Hehehe :D Sa manila kasi, pagagalitan ka lagi ng masungit na kapitbahay. Hahaha lol
7306391_orig.jpg
Image source

"Teks, pogs, jolens"
Yung may tamang pose pa kapag titira ka sa teks tapos may pamato pa. Ako pato ko lage si recca eh. Tapos pag nanalo ka, bebenta mo sa natalo mo yung teks. Sa jolens naman, dun ko nakilala unang crush ko e. Wahahahaha wtf!

Image source

"Sipa/Sepak takraw"
Di ako marunong nito -_- Pero lagi ako kasali. Tapos tumama sa ulo ko yung bilog na bakal, huhubels!
FactsYou   .jpg
Image source

"Luksong baka/Luksong tinik"
Favorite ko to! Kaso dito ako nasubsob e :/ Tapos pinalo pa ako ni mama! Kawawa nga ako non e :/
luksong_tinik_by_j_zer0.jpg
Image source

At marami pang iba. Hindi ko mabibilang kung ilang oras sa ang ginugol ko sa pakikipaglaro noong bata pa ako. Basta araw araw uuwi akong pawis na pawis, minsan may sugat pa tapos pag may sugat ako, papagalitan pa ako. Haha Mygad!

Naranasan nyo rin ba magtulog-tulugan pag tanghali para makalabas ng alas kuwatro ng hapon? Hahahaha!

Sobrang saya no? Sana mga kabataan ngayon, maranasan parin yung mga masayang naranasan natin noon. Kapag kasi lumalabas ako bihira na ang umpukan ng mga bata na naglalaro, madalas ang kumpulan ay naglalaro gamit mga usong gadgets ngayon. Nakaupo o nakahiga lang sa bahay. Hindi manlang pinapawisan kasi karamihan sa computer shop tumatambay.

Kaya minsan napapaisip ako, hindi pala maganda lahat ng epekto ng advance na teknolohiya. May magagandang bahay din na nawala dahil sa mabilis na pag usbong nito. Kahit ang pook aklatan ay wala na masyadong laman. Oo't pagiging praktikal ang mag computer nalang pero minsan, nakakamiss din humawak ng pahina ng libro diba?

Wag sana natin hayaan mabaon sa limot magaganda nating alaala. :)

Mabuhay mga milenyal! Hahahaha! Ang saya ko habang sinusulat ito, sana'y napa ngiti ko rin kayo. Lalo na mga kapwa ko batang 90's diyan!

Happy wednesday! <3

~~~~~~oo~~~~~~

#gratefulvibes #steemitfamilyph #steemph #manila

Sort:  

Beautiful to see kids, being kids. Not with their faces buried in smartphones :D

Indeed sir! The technology made our lives better but for the young ones, it somehow made disadvantage. Thank you so much sir for dropping by! I was surprised!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63626.14
ETH 3107.70
USDT 1.00
SBD 3.87