Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon

in #steemitdora6 years ago

Ang paninimula ng aking paglalakbay ay para sa aking pahabol para sa araw ng Linggo.

Atin simulan ang araw ng linggo para magpuri, magpasalamat ,at humingi ng tawad sa ating Poong Maykapal!

Kami ng aking pamilya ay nagpunta sa Simbahan ng Padre Pio sa Sto Tomas Batangas. Napaka ganda ng lugar na ito. Doon ay makakamit mo talaga ang mataimtim na pagdarasal dahil sa napaka tahimik na lugar dasalan. Isa rin sa pinupuntahan dito ang makasaysayang buhay ni Padre Pio at ang magandang tanawin na napka gandang pagmasdan.

46120BA7-0279-4CF8-8C7D-F22CE94F0C9F.jpeg

1B745914-546E-43E0-97DB-5BBC1B8EEF5E.jpeg

Pagkatapos magdasal, kami ay nag group picture. Kay gandang tignan ang larawan kapag makita mong ang lahat ay masaya at magkakasama.

3F9FE010-F9F5-4208-9FDB-B9ED590E9EBA.jpeg

31146E0A-FBCB-4C5D-BD3F-C36745D246FE.jpeg

Marami sa atin ang napaka abala at nakakalimutan magpunta sa simbahan. Hindi bat mas maganda na simulan ang linggo ng may pusong nag pupuri at nagpapasalamat. Mas maganda rin kung buo tayong pamilya na magpupunta don. Kung ang ating mga magulang lang ang magdarasal para satin, tila walang magdarasal para sa kanila.

Sa aming pamilya, bata pa lang ako.. tinuruan na kaming maging malapit sa Dyos. Tinuruan kaming bigyan ng oras ang Dyos kahit ganu ka pa ka busy. Isa sa magandang natutunan ko ay ang pagpapahalaga sa utos ng magulang. Nung bata ako, minsan inaantok ako sa simbahan, siguro masabi ko hanggang ngayon, pero dumating sa buhay ko yun dahil sa linggo linggo ka nagsisimba mararamdaman mo yun presenya ni Lord, sa pagkanta ng mga papuring kanta makikita mo na lang sarili mo naiiyak ka na rin.

Naway nagustuhan nyo itong post ko! Maging aral sana sa atin na isama at bigyan ng oras si Lord, kahit ganu ka busy at kahit gano kalayo ang lugar. Magsilbing isang ehemplo sa ating pamilya lalo na sa mga kabataang myembro ng pamilya. Upang sa kanilang paglaki, itoy kanilang maisabuhay.

Salamat po @steemitdora sa pagkakataon, salamat po ms @sunnylife sa pagkakataon!

Mabuhay po kayo!

5A8EE571-DDCB-46CA-A826-EAF518AD4C66.gif

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Kahit araw ng lunes ngayon nagpapasalamt ako na ikaw ay nakahabol @princessliz. 😀 Nakahabol ka at sinama mo pa nag buong pamilya. Nawa'y mamulat ang iba na napakahalagang maglaan ng oras para sa ating Panginoon. Napakaganda ng iyong pamilya at kayo'y sama-samang magsimba. Isang magandang halimbawa para sa aming lahat. 😀
Maligayang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa roon kasama ng iyong pamilya. 😀
Nakakatuwa na nakisali ka sa aming paglalakbay. 😀
Mabuhay ka #steemitdora @princessliz! 😀💖

yes sorry po na late yun sunday ko ... pero its okay din po kahit hindi ma consider. Mabuhay po kayo @steemitdora

Lahat ng entry kasama @princessliz. Wag mag alala. 😀
Mabuhay ang mga manlalakbay! 😀

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64341.19
ETH 3145.13
USDT 1.00
SBD 4.00