#SteemitDora Ang Madugong Pag-Lalakbay ni @Shikika [Ikalawang Yugto]

in #steemitdora6 years ago

jemzem.PNG

Ang larawang ito ay nilikha ni Jemzem para sa #steemitdora

Ang Nakaraan sa Dako Pa Roon..

Nang makalapag si @Shikika sa bayan ng Pili at Naga, agad agad naman siyang sinundo ni Luna para ilibot sa lungsod ng Iriga. Walang inaksayang oras si Shikika at Luna. Tinunguhan nila ang 19 na baranggay na sinira ng unos. Nalungkot ang ating bida tila nasugan lang peg ng ating bida. Tumawag si Shikika sa DENR(Department of Environment and Natural Resources) upang maaksiyonan ang nasabing mga baranggay. Tinunguhan din nila ang bundok ng Asog at sinilay silay ni Shikika ang nasa paligad. Napa tsk tsk ang ating bida na animo'y dismayadong dismayado at tinanong niya si Luna kung bakit nagka-ganoon. Malungkot si Shikika pero sa loob loob niya masayang masaya siya kasi nakarating siya sa lungsod ng Iriga at naka kita siya ng mga kakaibang bulaklak. Habang nag-lalakad ay masayang nag-huhuntahan ang dalawa na para bang walang katapusan. Bakas sa mukha ni Shikika ang kasiyahan kaya naman sabik na sabik na siya sa kaniyang susunod na tutunguhan ang bayan ng Villasis sa Pangasinan. Nag-paalam na si Shikika kay Luna at sinabing "huwag ka magalala sis at tutulungan kita" masayang sambit ni Shikika. Napa YAY na lamang si Luna at hinagkan ang kaibigan. Umalis na ang ating bida at nag-tungo na sa paliparan.


Alas siyete impunto nang maka-lapag ang ating bida sa paliparan ng Clark sa lalawigan ng Pampanga. Ilang oras din ang biyahe patungong Villasis Pangasinan. Ang hindi batid ng ating bida na fiesta pala sa kanila AkoyFilipina. Inilihim ito sa kaniya ng kaniyang kaibigan upang lubos na masiyahan ang ating bida sa Villasis Pangasinan. Nag-tagpo na rin sa wakas ang magkaibigan manghang mangha ang ating bida sapagkat ubod ng ganda ng nasabing bayan, maya maya pa at nahalata na niya na fiesta pala sa nasabing bayan. Napa "inang ko po" ang ating bida, hindi niya kasi akalain na mayroon palang ganitong fiesta, mantakin mo isang kalsada na punong puno ng gulay. Nag-laway panandalian ang ating bida sapagkat bigla siyang nagutom sa nakita niya. Inalok siya ng kaniyang kaibigan na kumain siyempre walang tanggi ang ating bida umupo na siya at sumandok ng mga pagkaing gulay. Manghang mangha sa "Talong Festival" ang ating bida. Ang la laki ng mga talong at ang titigas pa, at hindi lang iyon buhay na buhay pa ang mga talong sa nasabing bayan. Nag-tungo na sila sa simbahan upang mag-dasal at mag-pasalamat sa panginoong diyos. Nag-paalam na ulit si Shikika sa kaniyang kaibigan kasi malayo pa daw ang kaniyang susunod na biyahe babalik daw ulit siya sa Cebu City upang makita ang kaniyang kababayan.


Sobrang bilis mag-maneho ng tiga maneho ni Shikika hindi akalain ng ating bida na makakarating agad siya sa paliparan ng Clark sa Pampanga at nang naka rating ay agad itong lumipad patungong Cebu. Wala masyadong nangyari sa Cebu naligo lamang sila sa dagat at ipinakilala sa kaniya ng kaniyang kababayan na si Elle Chem ang katipan nito at ang kanilang supling. Nag-simba ulit at nag-pasalamat sa mga biyayang natangap at sa biyaheng ligtas. Nasaksihan din ni Shikika ang pag-iisang dibdib ng kababayan. Nag-paalam na ang ating bida kasi mayroon pa raw siyang dapat balikan sa Pangasinan.


Babalik nanaman sa Pangasinan ang ating bida. Suking suking na siya ng isang paupahan ng kotse sa Clark Pampanga. Makalipas ang 40 na minuto na biyahe simula paliparang ng Cebu papuntang paliparan ng Clark ay sumakay na ito ng kotse patungong lungsod ng Dagupan lalawigan ng Pangasinan. Hindi alintana ni Super Girl ang pagod bagkus ay sabik sabik pa ito sa biyahe. Ilang oras din takbuhin ang Clark - Dagupan. Sabik na sabik na si Shikika na makita ang "Bangus Festival". Naku po kainan nanaman ang tinunguhan ng ating bida. Pagka dating na pagkadating agad sa Dagupan ay agad siyang binati ni Taminites ng "magandang araw sis". Halika at samahan mo ako sa "Bangus Festivel". Malugod namang pinaunlakan ni Shikika ang imbitasyon ni Taminites at walang inaksayang panahon, nilibot nila ang buong siyudad at siyempre tinikman ang iba't ibang luto ng Bangus. Bali wala lang ang mga tinik kay Shikika, kain lang siya nang kain na para bang walang tinik ang kinakain. Busog na busog ang ating bida at napa thank you lord na lang siya. Ibinida pa niya kay Taminites ang susunod niyang pupuntahan ang lalawigan ng Bulacan.


Angat, Bulacan ang bayang sinilangan ni @reginecruz. Mahaba haba din ang biyahe patungong Dagupan - Angat Bulacan. Una muna nilang tinunguhan ang Angat Dam. Gustong gusto tumambog ni Shikika sa Angat Dam subalit alam niya na hindi puwede. Manghang mangha ang ating bida sa Angat Dam sapagkat ang nasabing dam pala ay ang tumutustus sa pangangailangang tubig ng mga tiga NCR at buong Bulacan. Sunod naman nilang tinunguhan ang iskuwelahan ni Regine at ang GK Enchanted. Gulat na gulat ang ating bida tila ngayon lang siya nakakita ng itim na kulig. Sinubuan niya ang mga maamong kulig ng mga kinuha niyang dahon sa kapaligiran. "Ang cucute naman". Bulalas pa ng ating bida. Nag-tungo rin sila sa Sta Monica Parish Church at nag-dasal kasama na rin ang pasasalamat, dahil gutom na sila dumaan muna sila sa bahay nila Regine. Nag-huntahan ang dalawa at sinabi ni Shikika na babalik pa siya sa Bulacan, "sana ay samahan mo ako Regine sa Santa Maria". "Walang problema", nakangiting tugon ni Regine. Nag-paalam na si Shikika at sinabing babalik muna siya ng Cebu para samahan si Jemzem sa kaniyang pag-lalakbay patungong Timog Cebu. Bumiyahe na patungong Maynila si Shikika at lumipad patungong Cebu.


Ang mahiya mo si Aqua Woman na si Jemzem. Sinamahan ni Shikika si Jemzem sa kaniyang pag-lalakbay sapagkat batid ni Shikika na mag-isa laging bumibihaye si Jemzem mag-isa. Una nilang tinunguha ang talong ng Kawasan kung saan pinaka sikat ang nasabing talon ay may hiwaga at pinaka sikat sa Timog Cebu. Umakyat ang dalawa sa pinaka tuktok ng talon at lumukso sa matarik na talon sabay sigaw ng "Darna". Nakakaakit ang kapaligiran kaya napag-pasiyahan muna nila na mag-tampisaw doon. Pagka-tapos nilang magpaka-saya sa Kawasan Falls ay dinayo naman nila ang Lambug Beach sa Badian, Cebu. Nag-tungo din sila sa Moalboal kung saan hinunta nila ang mga pawikan. Kasunod pa nito ay nag-tungo sila sa Pescador Island (diyos ko po! iba na talaga ito). Walang tigil sa pag-silay sina Jemzem at Shikika sa kagandahang taglay ng isla at siyempre pinagmasdan nilang mabuti ang mga "Coral Reefs" , gumayak na sila at isinuot ang pansisid ng dagat. Tumambog ang dalawa sabay sisid at nakakita sila ng ubod ng daming sardinas sa ilalim ng dagat. Hindi alintana ng dalawa ang pagod at hirap sa kanilang mga dinanas. Maraming natutuhan si Shikika kay Jemzem habang nag-lalakbay sila sa Dako Pa Roon.

ITUTULOY BUKAS....







Abangan bukas ang biyahe ni @shikika pabalik ng Bulacan. Kasunod ang Maynila Laguna pabalik ng Barugo, Leyte. Hanggang sa muli paalam.


Unang bahagi ng paglalakbay ni Shikika


GIF-180316_162802.gif

THE-KAPE-BOYZ.gif

Sort:  

hahaha nakakatuwa may mga tagalog serye! 😂

Napasubo na ako e. Reporter na ako ngayon haha. Ang dami ko na ngayon sinusulatan haha.

Ang dami ko na palang napuntahan. Hahahaha. Sobrang saya ng paglalakbay. Di pa po ako napapagod niyan. Hahaha

Hindi pa tapos yan, babalik ka pa sa Barugo Leyte para makipaghuntahan sa mga kapatid, kasi miss na miss mo na sila hehe.

Hahahaha. Mas masaya yun. 😀

Oo naman kaya mag-pahinga ka na. Babalik ka pa Bulacan. May sponsor ka ba bakit daghan ang kuwarta mo?

Wahahaha. Tagaan man ko panglaag sa ako maadtoan na lugar. Wahahaha

Haha. Bukas nga pala kasama mo si Regine papunta sa amin kasi siya ang tour guide mo. Spoiler lang iyan.

Hahaha. Dami sponsors sa paglalakbay. Hahaha

Haha. Part III ending ng season 1 sa sunday na medyo madami ako ngayon isusulat.

Grabe, boss! Career na career mo na talaga ang pag-uulat! Feel na feel ko yung pagiging dora the explorer ng bida nating si @shikika. Heheheheh
At saka may dalawang ulat pa yatang naghihintay.
Ang dami nating pinaglakbayan e. :D

Mayroon pa kasi sa linggo ko na yun kasi busy ngayon daming dapt unahin una yung dugtungan tapos sa hub namin hehe. Magkatapat pala tayo haha parehas magtatapos hhe. Kinausap rin ni Shikika yun mga sardinas.

Taray! Busy days nga talaga yata ngayon. Pero mas ganda yung pinagkakaabalahan mo kasi sa Steemit naman. Gora lang, boss. Hihintayin naman namin ang ulat mo sa bida natin. 😊

Oo naman saka ala namang magawa sa trabaho ko. Nabilang ko na lahat nakapagimbentaryo ako nang maayos. Naka bitan ko na lahat ng stickers hehe. Binabayaran ako araw araw para tabanan lang cellphone ko haha. Monday walang pasok after ko bumuto. Sulat ulit hehe. Thanks sa lahat.

Wow! Chill lang pala. Sana wala rin kaming pasok sa lunes. Kasi buong araw akong matutulog este magsusulat pala. heheheh

Hindi ka ba botante? Sayang kaya malay mo isa lang lamang hehe ikaw magpapanalo Jemzem for the win. Sige aabangan ko pa yang mga sinusulat mo.

sneaky-ninja-sword-xs.jpg
Sneaky Ninja Attack! You have just been defended with a 1.39% upvote!
I was summoned by @shikika. I have done their bidding and now I will vanish...

woosh
A portion of the proceeds from your bid was used in support of youarehope and tarc.

Abuse Policy
Rules
How to use Sneaky Ninja
How it works
Victim of grumpycat?

Kadamo na imu nakadtuan te =)

Kay daghan man ang kuwarta niya hehe

Hahaha. Asya ngani dai. Sunod mauli na liwat barugo. Hahaha. Api na! 😀

Apil na jud sa #steemitdora kay kalami man

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63475.77
ETH 3117.23
USDT 1.00
SBD 3.94