Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon: (Lunes)"Ikaw Ang Tanging Kasama"

in #steemitdora6 years ago (edited)

Magandang Tanghali mga #steemitdora
Hello Steemians,

Akoy palaging naglalakbay, paroon , parito, at napapansin ko na masmasaya ang paglalakbay kung marami kayong sabay na pumupunta sa iyong paroroonan.
Ngunit ang katutuhanang sa paglalakbay kadalasan ay ginagawa ito ng nag iisa ka lamang. Katulad ko, sa aking pag uwi nag iisa lang ako, ang tanging kasama ko lamang ay ang "pink bag ko".



Hindi ko siya maiwan iwan at hindi rin niya ako pweding iwanan. Hindi ko kayang maglakbay na wala siya at hindi rin niya kayang maglakbay kung wala ako.Kailangan kaming palaging magkasama.
Sa aming paglalakbay minsan magaan at komportable ang aming samahan lalo na kung kunti lang ang mga bagay na dinala ng bag ko, pero kapag marami ang aking inilagay sa loob ng bag ko na parang siya y napupunit na dahil sa dami ay nakapagbibigay ng problema. Ito ay mahirap dalhin, at napakabagal naming maglakad na naging dahilan naging malongkot ang aming paglalakbay at hindi namin narating agad ang aming distinasyon dahil palagi kaming humihinto upang magpahinga.

Ang ating paglalakbay ay maihalintulad din natin sa aming paglalakbay ng bag ko. Kung ang ating puso ay may maraming sama ng loob, pagkainggit, galit.
Karaingan sa ating kapwa ay nagdudulot ito ng bigat at problema sa ating paglalakbay na maging dahilan na hindi natin maramdaman ang saya at matiwasay na paglalakbay sa buhay,at hindi lang yan nagdudulot rin ito ng mga sakit sa katawan na maging daan upang tayoy makahinto sa ating paglalakbay kaya kailangan ang maigi na,Pagsisiyasat kung ano ano ang dinadala natin sa ating paglalakbay. Kinakailangan ang dadalhin natin ay mga bagay na importante lamang yong magagamit natin sa ating paglalakbay tulad na lamang ng pag ibig, pagpapatawad , pagpakumbaba, pagkamatulungin , pagkamadadalin.

Pagkamadasalin at tiwala sa Diyos at sa kapwa. Ito ang mga mahalagang bagay na dadalhin natin upang magkaroon tayo ng masaya, maayos, at matagumpay na paglalakbay patungo sa ating inaasam asam na buhay. Ang tunay na buhay na walang hanggan.

Nagmamahal ng lubos,
@yennarido

MARAMING SALAMAT SA LAHAT👍🙏😊😀💞
MABUHAY!👍😀

KEEP STEEMING EVERYONE💞👍

Click here link of @steemitdora :
https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-tayo-na-at-magsimulang-maglakbay-steemitdora-the-explorer-the-journey-begins-c7593f823b146

Narito ang kahapon ko sa linggo:

Linggo: "PAGLALAKBAY PATUNGO SA DAKO PA ROON : ANG PAGSISIMBA SA ARAW NG LINGGO"

https://steemit.com/steemitdora/@yennarido/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-ang-pagsisimba-sa-araw-ng-linggo-cd58c5551faa


Til next time,Thank you and God Bless😀👍🙏💞
Please support the person who inspires many, including me, Sir Terry @surpassinggoogle by voting @steemgigs as a witness.
Visit https://steemit.com/~witnesses then type "steemgigs" in the first search box.

Others that we should support are: @henry-gant, @kenny-crane, @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @jerrybanfield, @darthnava, @paradise-found, @bobbylee @geetharao, @stephenkendal, and @richq11; they also have supported us. Thank you very much.

Thank you sa gift footer sis @sunnylife ,God Bless😊👍🙏💞

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by yennarido from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

May hugot den pu aku sa aking bag. Kapag indi na kasya, wag na ipagsiksikan. Mahihirapan ka lang pu dalhin kapag mabigat na. Ahihihi!

Wow..meron ka palang kim-kim sa yung sarili dahil merong mga bagay na mahirap ipilit kung ano ang ilagay sa ating bag..hahhahha.lol.😀👍

Wow! Akalaing mong makakahugot tayo sa ating paglalakbay. Napakahusay ng paghahalintulad! 👏Maraming salamat @yennarido 😊😘

Dahil meron mga bagay na dinadala natin tulad ng pink bag ko na kailangan natin alamin kung anong laman nito tulad sa ating puso ,ating pag timbang-timbangin o pag isipan natin ng husto kung ano o sino ang karapatdapat ilagay o ibigin..hahahahaha.lol😀👍💖

Hahaha very well said! Pero minsan yung dala dalang bag natin ay nasisira, di na magagamit, kaya pinapalitan natin ito kahit ito'y ating paborito. Ganun din ba sa pag-ibig? Nasisira, nawawala ang halaga, kaya pinapalitan kahit noong una ay mahal natin ito? 😑😁😄 Wala,maling hugot lang. Hahaha 😂

Hahahha.tama ka merong mga bagay tulad ng damit natin na nilagay sa bag natin at ito'y masira din dahil sa luma na ito at itoy nag bago na din sa kulay tulad ng tao na minsan hindi mo alam sa pagsama-sama sa pag lalakbay na akala mo tunay na kaibigan hindi natin namalayan na ito'y unti-unting nagbago..din..charross..drama ra ang peg.hahahha.lol😀👍

Kahit mahal mo ang isang tao..kahit matagal pa ito namamahal sa isat-isa pero itoy nagbago unti-unti,... wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na sa paglalakbay sa relasyun patongo sa dako pa roon merong magbago sa lahat,pero kung ang tunay na pag ibig yun at kahit itoy patongo sa luma..hindi ito magbago kahit kailan..kung itoy iniingatan sa dalawang taong nagmamahalan..hahahha😀💖

Wooohooo! HAHAHAHA ang husay! 👏👏👏
Totoo ang sinabi mo sis. Ang tunay na pag-ibig ay pang walang hanggan. Ang bag na paborito mo kahit maluma iyan, ito'y iyong itatago at iniingatan mo parin ito. Ganun din sa tunay na pag-ibig, tumanda man kayo (maluma) hinding-hindi mo sya pababayaan, mamahalin mo parin ito at iingatan. 😍 😉

Yah.tama ka din dahil lalong tumagal lalo itong iniingatan at meron na itong halaga masakit ang isang bagay na nilagay natin sa bag na itoy mawala parang bola tulad ng oag ibig masakit ito pag mawala sa ating buhay😀👍

Ang ganda ng mga baon mo sa bag mo @yennarido. Kahanga hanga ang iyong mga tinuran.
Maligayang Paglalakbay! 😀

Maraming salamat @steemitdora 😀👍

Patuloy lamang maglakbay sa buhay. 😀

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63688.35
ETH 3125.30
USDT 1.00
SBD 3.97