"GURO AKO HINDI ROBOT" : ISANG TULA PARA SA MGA GURONG MAPAG-ARUGA

image
Photo Credit

Ang tulang ito ay para sa mga gurong walang pagod na nagtuturo para sa kinabukasan ng mga kabataan.

Madaling araw pa nga lang
Laman na agad ng lansangan,
Una sa lahat nag-aabang narin ng masasakyan.
Pipikit-pikit sa mga jeep na dumaraan takot na baka maidlip,
Sinisikap na di mahuli sa klase at makapasok sa tamang oras.

Nagsisimula na ang araw,
Araw na normal sa iba peru espesyal na sa kanya.
Minsan nga wala pang almusal,
Ngiti sa labi, mga masasayang pagbati,
Pilit na ipinadarama sa mga batang kulang sa aruga.

Bawat araw ay may luha, pawis at pagsasakripisyo,
Binabalewala nga lang pagka't propesyon ang pinapahalagahan ko, at ang pagtuturo ay gustong gusto ko.

Oo ako ay isang pampublikong guro,
Malaki ang sinasahod sa akin,
Pero marami parin ang nagtatanong bakit kailangang magloan pa ako?
Di nyo kasi alam lahat ay inaako ko.
Maliban sa bahay ko, pagpapaganda ng silid paaralan ay inaalala ko,
Kasama na ang chalk at mga ibang gamit pinag-iipunan ko.
Ang almusal, reses pati na tanghalian ng mga bata ay minsan kasali sa budget ko.

Guro lang ako, hindi ako robot
May emosyon, nalilito't napapagod rin.
Pagdidisiplina sa mga bata tila'y malaking kasalanan pa,
Hangad ko lang naman ay maituwid ang landas na tatahakin nila.

Karamihan sa amin ay may mga problemang dinadaing,
May mga pamilyang umaasa ng lubos sa amin.
Pagod at gutom aming tinitiis kasi inuuna ang trabaho,
kasi nasa isip ang mga sinumpaang pangako,
Laging idinadalangin ang maginhawang bukas nawa'y dumating.

Madali ngang sabihin na di mahirap ang trabaho namin.
Di niyo lang alam nasa hukay kalahati ng ang aming mga paa.
Nakataya na nga palagi ang kalusugan minsay nawawala pa sa katinuan.

Magulang din naman ako,
Hangad ko ang mapabuti ang mga batang nasa mismong kamay ko.
Sana isang araw ay inyong mapagtanto,
Minsan, sana sa inyong buhay ay naging malaking bahagi ako.
Makalimutan man ang pangalan ko huwag lang sana ang mga pangaral na galing sa puso ko.

Sort:  

Mahalin at igalang natin ang mga guro na siyang humubog sa ating dunong. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63799.64
ETH 3130.40
USDT 1.00
SBD 3.97