"BAKIT NGAYON KA LANG?" : TULA

in #steemitfamilyph6 years ago

image
Photo Credit

Matanong ko lang, bakit ngayon ka lang?
Di mo ba alam ilang gabi at araw kong iniisip ko ano ba talaga ako sayo? Kung ano nga ba ang meron tayo?
Ilang gabi at araw kong iniisip kung may nararamdaman ka rin ba sa akin.
Kung ako ba ay mahal mo rin?

Nagsimula tayo sa pagkakaibigan,
Di ko akalain ako pala ay mahuhulog sayo ng basta basta lamang. Pero sino nga ba naman ako para mahalin mo.

Di naman ako masyadong maganda, wala rin sa akin ang iyong tipo ng lalaki. At bilang isang lalaki ayaw ko naman mag isip na lahat ng ito ay may kahulugan,
Ang tanging magagawa ko lamang ay ang maghintay at umasa.

Pero pasensya kung sumuko rin ako. Dumating kasi yong taong nagpatino sa akin.
Yong taong naging matapang sabihin ang kanyang nararamdaman para sa akin. Pasensya na kung natutunan ko na siyang mahalin. Pasensya na mahal kung nasaktan kita

Pasensya na kung ako ay susuko na muna dahil minsan na rin akong nasaktan. Sana'y maintindihan mo lahat ng ito at ika'y makapaghihintay. Sana ay babalik ka ulit sa tamang panahon at magpakatapang na. Pagkat puso ko'y ayaw ng malumbay.

Please follow and support our very own @surpassinggoogle and @bayanihan. VOTE @steemgigs as your witness!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 62622.67
ETH 2944.91
USDT 1.00
SBD 3.61