"HINDI AKO MAGIGING SIYA" : ISANG TULA

in #steemitfamilyph6 years ago

image
Photo Credit

Lumipas ang napakahabang panahon,
Susulat ulit ako ngayon ng tula sa pangatlong pagkakataon.

Ikaw ang naging inspirasyon ko,
Ngunit siya ang inspirasyon mo.
At kahit kailan man,
Hindi ako magiging SIYA.
At kahit kailan, hindi ko rin naman gugustuhing maging SIYA.

Bagamat gusto kong ibigin mo ako sa anong katangian ko,
sa totoong AKO,
At sa ugaling meron AKO.

Ngunit alam kong may pagkakataon sa buhay natin na kailangan talagang sumuko.
Sumuko sa taong dahilan kung bakit tayo kumakapit,
Kahit ito'y nagdudulot pa ng sakit.
Kumakapit sa panaginip na SIYA at AKO ay magiging KAMI.

Gumising na lang tayo! Lalo na ako sa reyalidad.
Gumising na tayo sa katunayang ang buhay ay hindi makatwiran.
Gigising na rin ako sa panaginip na SIYA ay magiging AKIN.
At tanggapin ang mga salitang SIYA, ay para lamang sa KANIYA.

Ngunit tila ito'y isang bangungot na walang katapusan.
Bangungit na gusto ko kahit na araw araw kong mararanasan.
Mga bangungot na gusto kong isabuhay kahit pa hanggang sa kahuli-hulihan.

Mga panaginip na rin na ayaw kong bitawan dahil ayokong magising sa katotohanang,
Hindi mo ako talaga ako mahal.
Hindi mo ako kailanman mamahalin.
At higit sa lahat kahit isang saglit hindi mo talaga ako minahal.

Sapagkat kahit kailan,
HINDI TALAGA AKO MAGIGING SIYA.

Please follow and support our very own @surpassinggoogle, @bayanihan and @teardrops. VOTE @steemgigs as your witness!

Sort:  

Congratulations @noyyye! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

Click here to view your Board

Vote for @Steemitboard as a witness and get one more award and increased upvotes!

Congratulations @noyyye! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

Downvote challenge - Add up to 3 funny badges to your board
Use your witness votes and get the Community Badge
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61233.41
ETH 2934.46
USDT 1.00
SBD 3.56