Tula sa pinamagatang "Sa Aking mga ka- Ama"

2ba84e38a6bb051c3a425e4e50295119.jpg
Image source:Google

"Ang Pagiging Ama"

Ako ay isang ama na mapagmahal sa pamilya
Gagawin ang lahat para sa kanilang ikaliligaya
Sa aking puso sila ang nangunguna
Sa isipa'y sila ang laman sa twina

Anong mang unos na dumating ay aking kakayanin
Gabay ang kanilang pagmamahal lahat ay titiisin
Sinumpaang tungkuling maging haligi ng tahanan
Sa isip at sa gawa ay aking buong pusong gagampanan

images (8).jpeg
Image source:Google

Ang pagiging ama ay magiging madali
Kung taos sa puso ang ating ibinabahagi
Sa ating mga anak laging ipamalas
Ang pagiging tunay na ama na may dignidad at tikas

Ako ay isang ama na mayroong pangarap
Buhay na mgnda para sa aking pamilya
Sa ating mga anak laging ipaalala
Na mahalaga ang pamilya sa anumang sa mundoy nakikita

images.png
Image source:Google

Ang pagiging ama'y masarap na mahirap
Kaakibat nitoy malaking responsibilidad
Lahat gagawin lahat ibibigay
Maging aking buhay para sa pamilya'y iaalay

Ako ay ama na may nais iparating
Sa mga ama na sa aking tula ay nagbabasa
Laging mahalin at alagaan ang inyong pamilya
Tiyak na matiwasay na pamumuhay ay ating matatamasa

Sa aking mga ka ama laging isapuso
Na aang pagiging ama ay isang pribelehiyo
Laging isipin at laging gawin
Mahalin ang pamilya at laging arugain

Maraming salamat sainyonh lahat. Sana ay nagustuhan nyo ang munting tula na nangaling sa aking puso

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 69824.27
ETH 3761.57
USDT 1.00
SBD 3.81