Bahala Na Si Batman - Filipino Poetry | An Entry to Steem Summit's Call For Poetry

in #steemitsummit6 years ago (edited)

"Bahala na si Batman"

Madalas mong sabihin "bahala na si Batman"
Kapag ang mga bagay mahirap gawan ng paraan,
Na parang buong mundo ay iyo ng pasan
At pakiwari mo'y di na ito kayang malampasan

Sa pag-ibig din kaya, ika'y matutulungan?
Pwede din ba syang bumuhat at ika'y pumasan,
Dahil bigat sa puso, dibdib mo at isipan
Nang ang mahal mo'y tuluyan ng lumisan.

Sa pagdating ng araw, puso mo'y lalaban,
Muli kang iibig at sa mundo'y pagsisigawan
Handang tanggapin muli ika'y masaktan
Dahil alam mo sa sarili... "bahala na si Batman"

Ikaw Batman... Kaya Mo Pa Ba???

IMG_9626.PNG

source

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 62668.08
ETH 2908.37
USDT 1.00
SBD 3.58