Pinoy Henyo | Katuwaan lang

in #steemph5 years ago

image

Kamusta Pilipinas! Sana ay naging masagana at maligaya ang inyong pasko at bagong taon. Kami naman ng akong pamilya ay naging matiwasay ang selebrasyon ng nakaraang mga handaan.

Masaya ngunit tila ba kulang. At napagtanto ko na ang nawawalang piraso ay ang pamilya ko sa Steemit. Matagal tagal na rin mula nang huli tayong nagpuyatan at nagkulitan, hindi ba? Bakit hindi tayo muling maglaro ng paborito natin tuwing Linggo ng gabi? Katuwaan lang naman ito.

Kaya inaanyayahan ko ang mga regular na sumasali sa lingguhang Pinoy Henyo. Boss @iyanpol12, @atongis, @oscargabat, @el-dee-are-es, @czera, @chinitacharmer,@beyonddisability, @johnpd, @blessedsteemer, at siyempre pa, ang game master na si @twotripleow.

Bukas din naman ito sa lahat ng mga hindi ko nabanggit. Pagpasensiyahan niyo na at sadyang makakalimutin din talaga ako sa pangalan. Kung hindi ko kayo nabanggit ay isisi niyo na lang sa napakaraming anaesthesia na itinurok sa akin.

Kagaya ng aking nabanggit, katuwaan lamang naman ito kaya wala tayong premyo. Para sa akin ay malaking premyo na ang muli ko kayong makalaro kahit minsan pa. Sana at inyong paunlakan ang aking paanyaya.

Xoxo,

image

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64386.10
ETH 3142.17
USDT 1.00
SBD 3.98