The Love Triangle

in #steemph6 years ago

Masayang nag-post ng litrato si Rina sa FB page niya.

"This is it!"

image
Pinagkunan

Pinuntahan na nilang magkasintahan ang isang sikat na simbahan sa Batangas para ipareserba ang araw ng kanilang kasal. Noong nakaraang Linggo naman ay kinausap na rin nila ang photographer at magpa-schedule ma ng prenup. Minasdan pa niya ang engagement ring bago pinindot ang salitang Post.

Napabuntong-hininga siya. Nakangiti siya. Pero may maliit na tinig sa kaibuturan ng puso niya na nagsusumigaw na mayroong mali. Hindi niya iyon maunawaan. Kung tutuusin ay na kay Carlo na ang lahat ng hahanapin mg isamg babae. Mabait. Masipag. Responsable. At ramdam niyang mahal na mahal siya nito. Bonus pa na magandang lalaki ito at sikat na sikat sa kanilang kompanya dahil isa itong basketball player na inilalaban sa iba pang kompanya.

image
Pinagkunan

Hindi rin naman lugi si Carlo sa kanya dahil nasa kanya rin naman ang mga katangiang gugustuhin ng isang lalake sa isang mapapangasawa. Maganda siya. Pisikal man ang pag-uusapan o kalooban. Maka-Diyos. Masipag at responsable. Mahusay mag-budget. Matalino. Para silang match made in heaven.

Kaya naman marami ang natuwa noong nag-update siya ng status na "Engaged to Carlo Segovia." At alam niya sa sarili niya na ito ang gusto niya. Ito ang pinangarap niya para sa kanilang dalawa. Limang taon na rin silang magkasintahan at alam niya sa sarili niya ito na rin ang tamang panahon para lumagay sila sa magulo tahimik. Kaya't minsan pa ay binalewala niya ang maliit na tinig sa kaniyang puso na nagsasabing may mali. Dahil lahat ng detalye sa isip niya ay nagsasabing tama ang tinatahak niyang landas.

Lumipas ang ilang linggo, dumalang ang posts niya sa FB. May mga naghahanap na ng updates niya. May nakilala siyang iba. Kabaliktaran ng lahat ng katangian ni Carlo. Guwapo naman si Daniel. Pero di tulad ni Carlo, iresponsable ito. Bulagsak. Tamad. Hindi rin ito basketball player. Pero napapatawa siya nito. Napaiyak din. Hindi dahil sinaktan siya kundi dahil napalaya nito ang maliit na tinig na dati ay hindi niya pinapansin. Siya ang nagpakita sa mali na dati ay hindi niya pinapansin. Ipinaramdam ni Daniel sa kanya ang ibig sabihin ng salitang masaya.

image
Pinagkunan

Kinailangan niyang mamili. Ang kahihiyan sa buong angkan niya o ang kaligayahan niya? Matagal bago siya nakapagdesisyon. Matagal pa naman bago ang kasal. Marami pa siyang panahon. Inisip niyang isantabi ang sarili para hindi mapahiya amg mommy niya. Uuwi na rin ang mga Auntie niya galing US. Nakapag-reserba na rin sila sa simbahan. Hindi noya na alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya na alam kung ano ang mararamdaman niya.

Si Carlo o si Daniel? Itutuloy ang kasal o hindi? Nagdesisyon siya. Pinili niya ang sarili niya. Pinili niya ang maging masaya. Sayang ang mga reservation fees pero mas kaya niyang masayang iyon kaysa ang pagkakataon na maging masaya siya. Niloko niya ba si Carlo? Tingin ko, hindi naman. Sinubukan niya namang huwag pansinin ang bumubulong-bulong na tinig na magsasabing may kulang. Sinubukan niya namang makuntento. Sinubukan niya namang maging masaya sa piling nito.

Ginamit niya ba si Daniel? Tingin ko, hindi rin. Hindi niya naman pinlano na magkatagpo sila aa alanganing pagkakataon. Marahil ay pinagtagpo sila para lang malaman niya na may mali sa direksiyong tinatahak niya.

Si Rina. Si Carlo. Si Daniel. Tatlong taong wala namang ibang gustong gawin kundi ang magmahal at mahalin din. Pinagtagpo-tagpo ng tadhana sa isang alanganing sitwasyon. Wala namang mali sa kanilang tatlo. Hindi nila ginusto ang makapanakit. Lahat sila, tulad natin, ay gusto lamang maging masaya. Kaya bago tayo maghusga, isipin din natin kung ano ang gagawin natin kung tayo ang nasa pwesto nila.

image
Pinagkunan

Masyadong malawak ang saklaw ng salitang pagmamahal. Tulad ng awa at takot, ang pagmamahal ay hindi kailangang ipaliwanag. Hindi rin kailangang may dahilan. Madalas ay hindi mo maintindihan. Ang pagmamahal ay isang positibong emosyon at ang dulot dapat nito ay saya at ligaya. Hindi lungkot at dusa.


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


2123526103.gif


QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg


romeskie.png

Sort:  

Masyadong malawak ang saklaw ng salitang pagmamahal.

Mahal ang bugas. Joke lang @romeskie! Agree ako dyan sabi nga nila, pag ibig pag pumasok sa puson este puso nino man, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang. Mahirap ipaliwanag basta na lang nangyayari ng di mo inaasahan.

Tama ka jan! Kaya isa ako sa mga tagapagtanggol ng mga sumusugal sa pag-ibig. Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64386.10
ETH 3142.17
USDT 1.00
SBD 3.98