MONDAY SHORT STORY AND POETRY @SteemPh 10/08/2018

in #steemph6 years ago (edited)

image

Guro, maestro, titser, pangalawang magulang, ma'am/sir, professor, mentor, trainor, pinuno, superior... anupaman ang tawag sa kanila, lahat iyan ay kumakatawan sa mga nagbubukas ng ating isipan at nagbibigay kaalaman sa mga bagay na dapat nating matutunan. Madalas nabibigyan ng papuri kapag nakapaghubog ng mahusay na estudyante pero madalas din masisi kapag naging matigas ang ulo at nagkamali ang tinuturuan.

Napakarami kong naging guro at lahat sila ay pinakitaan ko ng nararapat na respeto. Para sa akin, hindi lang isang propesyon ang pagtuturo kundi isang malalim na dedikasyon. Dahil ang guro ang magiging gabay sa pag-aaral ng isang estudyante. Hawak din niya ang disiplina ng mag-aaral sa kung ano ang tama o mali sa magiging pananaw. Kaya naman inaasahan na ang lahat ng guro ay maging mabuting ehemplo sa lahat.

Wala pa akong karanasan sa pagtuturo sa loob ng klase pero may ilan din akong mga naituro na nakapagpabago ng desisyon, prinsipyo at buhay ng ibang tao. Hindi mo masusukat ang kagalingan ng isang guro sa uniporme na kanyang suot; sa institusyon na kanyang kinabibilangan; sa tindig, kilos at pananalita; sa dami ng mag-aaral na pumapasa; sa taas ng sweldo na natatanggap. Masasabi ko na ang kagalingan ng guro ay masusukat sa dami ng buhay na kanyang binago. At sa kanyang naituro at naiambag sa kaisipan ng mga mag-aaral na siyang tinatawag nating pag-asa ng bayan.

Ang guro ay hindi lang basta teacher kundi nation's builder. Maligayang Selebrasyon ng Araw ng mga Guro!

ULOG 21 Kontento

May kalaliman ang likha ni @nantzjbalayo dahil bihira na lang ako makabasa ng mga sulatin ngayon na sinasama ang mga salitang siphayo, budhi, ganid at panlilinlang. Sa modernong panahon, madalas taglish na ang gamit. At nauuso din ang mga hugot at banat kaya masasabi kong isang obra para sa akin ang mga ganitong likhang tula. Mababanaag pa rin ang likas na talento ng mga makata base sa mga salitang umaangkop sa kanilang mga akda.


Una at huling yakap..(pantasya, drama)

Ang kwento ni @mrnightmare89 na animo'y isang eksena sa pelikula na pamilyar ang plot twist. Mabilis ang mga pangyayari at mabilis din ang kanyang paglalahad. Pero sa huli ay nabigyan ng paliwanag ang kaganapan kung bakit Una at Huling Yakap ang titulo ng kwento. Sadyang may mga kwento talaga na kailangan may patay sa huli para tumagos ang tema ng drama.


KABIGUAN.

Naglahad si @twotripleow ng kanyang saloobin tungkol sa pagkabigo. Isang napakalaking daluyong na kailangang maranasan dahil dito masusukat kung gaano ka katibay. Ang kahandaan na bumangon at manumbalik habang nakakaranas ng pagkabigo ang pinakamahirap gawin. Pero sabi nga ng nakararami, mas matamis makamtan ang tagumpay kapag dumaan ka sa napakaraming kabiguan.


Word Poetry Challenge #17 : "Guro" | Ang aking lahok

Sumasalamin sa tunay na buhay ng isang guro ang pinagbasehan ng tula ni @greatwarrior79. Ang mga araw-araw na sakripisyo kabilang na ang hindi kalakihang sweldo at bigat ng trabaho ay tunay ngang isang napakalaking hamon para sa mga guro natin. Pero nakalalamang ang dedikasyon sa gawain at ang pagnanais na makapaghubog ng magandang kinabukasan kaya nananatiling naglilingkod ang mga nagtuturo.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@webcoop
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayTBATBA

Sort:  

Maraming salamat po! Mabuhay!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64455.55
ETH 3147.84
USDT 1.00
SBD 3.94