A TAGALOG WRITING.

in #steemph6 years ago

n76cuttcwe.png

Larawan

Gaano nga ba kahirap magsulat sa wikang Tagalog? Masasabi ko na mahirap, sapagkat komo naka-tutok ako sa wikang Ingles hindi ko namamalayan na sobrang dami ko na palang mali kapag nagsusulat sa wikang tagalog. Akala ng iba kapag nagsusulat ka sa wikang Tagalog ay madali lang. Unti-unti kong nakikita ang aking mga kamalian sa pagsusulat. Lalung-lalu na sa paggamit ng gitling. Maraming salamat nga pala boss Jemarie sa pagpapaalala. Hindi naman ako nagsusulat para lang sa pera. Kaya ako nagsusulat para malagpasan ko ang dapat ko lagpasan. Malaki man o maliit ang halaga ng mga posts ko ayos lang. Ang importante masaya ako at natulungan ako ng Steemit. "Dear Diary" ko kasi ang Steemit sa madalas kong sinusulat, hugot ika nga nila.

TAMANG PAGGAMIT NG GITLING



Noong una akala ko talaga madali lang subalit nagkamali ako, mas mahirap pala sumulat sa Tagalog. Kaya naman hindi ako titigil hanggang sa maging perpekto ang mga ginagawa ko. Sa ngayon hindi muna ako magsusulat sa wikang Ingles. Panay Tagalog lang muna. Oo andiyan na ako walang taong perpekto at hindi ako perpekto subalit ang pagsusulat ay hindi naman tao kaya kung hindi maging perpekto ay dapat may hawig sa pagiging perpekto ang mga sinusulat ko. Wala namang masama na patuloy-tuloy natin gawain hanggang sa maging perpekto. Sulat lang ako nang sulat. Hindi man kagandahan ang mga naiisip ko, kahit papaano ay maitama ko man lang ang tamang mga salita na ginagamit ko.

Akala ko rin NANG at NG lang ang dapat kong pag-aralang muli. Hindi pa pala napaka-rami kong dapat balikan. Sa tingin ko hindi ko dapat idahilan na matagal na akong nabakante at ngayon na lang nakapagsusulat ulit. Aaminin ko na hindi ako nag-iisip tira lang nang tira. Sana kung nagbasa ulit ako hindi sana ganoon ang kalalabasan. Ayos lang naman, ngayon naman kasi alam ko na kaya madalang na siguro ako magkakamali. Makaaasa kayong lahat na lalo ko pang pagbubutihin ang mga gagawin ko at ang mga isusulat ko wikang Tagalog. Maging Kathang-Isip,Tula o Prosa man. Sumusulat din ako ng mga bagay na hango sa totoo kong buhay. Mga karanasan ko. Kaya nga lang ayaw maniwala ng mga kaibigan ko na nangyari iyon sa tunay na buhay. Turan nila ay kathang-isip pa rin haha.

Grabe! Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam pagkatapos mo makapagsulat sa wikang Tagalog. Sobrang gaang kapag alam mong naitama mo na ang mga kamalian mo. Hindi man maitama ang lahat e pasasaan at maitatama ko rin iyan sa tamang panahon. Sa una lang naman masakit hindi ba? Masakit sa kalooban talaga na marami kang mali. Kinalaunan naman ay masarap na. Masarap na talagang sumulat ito na nga ang pinaka-libangan ko e. Hindi ako araw-araw na nakapagpo-post kasi may trabaho ako. Kakayanin ko pa rin sa ikabubuti ko at saka para sa kinabukasan ng mga gagawain ko. Gagawain ko talaga lahat lahat nang makakaya. Hindi na puwede iyong tira nang tira lang. Iisipin ko muna kung tama o mali. Ayos lang kung pangit iyong ideya ng kuwento. Ang mas importante ay magawa ko nang tama mga isusulat ko. Alang-alang na rin sa mga tiga-subaybay ko (kung mayroon man nagbabasa, malamang sa wala). Wala man o mayroon laban lang cheret. O siya hanggang dito na lang ako paalam.


tqy91cwceu.png

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 62841.54
ETH 3040.07
USDT 1.00
SBD 3.92