CONDOLENCE MY FRIEND.

in #steemph6 years ago

041dhbjsaz.png

Pixabay.

Unang-una ako ay nakikiramay sa pagkamatay ng biyenan ng aking kaibigan na si Romeline. Alam ko masaya na si tatay kung nasaan man siya ngayon. Batid ko na ikaw ngayon ay nananaghoy. Kagabi lang nakita ko masaya ka pa subalit ngayon bakas sa iyong mga mata ang lungkot at pighati. Laban lang sistah. Huwag kang susuko. Alam naming lahat kung gaano nangungulila ang pamilya mo sa pagkawala ng biyenan mong lalaki.

Gaano ba kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay? Masakit tanggapin. Bubuno talaga tayo nang mahabang panahon para lang makalimutan natin ang sakit na nadarama. Sabi lang naman nila na makalilimutan din agad natin iyon. Ang totoo hindi ganoon kadali ang mawalan ng mahal sa buhay. Mas nanaisin ko pa iwana nang maka-ilang ulit kaysa sa mawalan ka ng magulang. Minsan naman nagpaparamdam sila para gabayan tayo sa araw-araw nating mga gawain. "O anak ko sana ay mabuti ka na ngayon at higit sa lahat kayanin mo nang wala ako." Anas sa atin ng mga namayapa nating mga magulang. Minsan lang naman mangyari talaga iyan. Kaya huwag nating isipin na kapag sila ay nagmumulto ay masama sila. Hindi nagkakamali kayo roon sa sinabi niyong iyan. Kahit sila nagpapakita ay dahil may gusto silang sabihin na hindi nila nasabi noong nabubuhay pa sila.

Masaya na sila kung nasaan man sila. Isang linggo lang naman tayong maghihirap sa kanila kaya tiisin na natin. Oo mapupuyat tayo pero para naman sa mga mahal sa buhay natin iyon. Huwag na sana nating kuwentahin kasi huli na naman iyon. Higit sa lahat huwag na tayo manghingi ng kahit na anong kapalit. Bagkus ay gawain na lamang natin taos puso.

Batid ko naman na kapag nawalan tayo ng mahal sa buhay, ay marami ang makikiramay sa atin sa oras nang lungkot at pighati. Batid ko rin na mas mainam na respetuhin na lang natin ang ibig nilang mangyari. Marami sa atin ang natatakot na magsabi kung ano ang nararamdaman natin patungkol sa taong patay baka kasi ganiyan ganito. Ayos lang naman iyon. Ang importante kasi ay habang-buhay natin na maaalala ang mga bagay na masasaya na kasama natin sila. Lahat ng mga masasamang nangyari ay mawawala na. Isa pang nakapa-importante ay matuto tayong magpatawad.

Gusto ko sana ibalik ang buhay ng mga taong mahal ko subalit wala akong kakayahan. Gustuhin ko man na mapasaya pa ang mga mahal sa buhay ay hindi ko kayang gawain. Siguro itinakda na talaga ng panahon ang kamatayan nila, kung ako ang tatanungin gusto pa nila mabuhay. Hindi rin sila nailigtas ng pera nila. Suma-total patay pa rin. Patunay lang na hindi tayo ang gumagawa ng ating mga kapalaran. May magagagawa ba tayo para mapahaba pa ang kanilang mga buhay? Oo naman mayroon siyempre. Ang tanong lang naman palagi. May kakayahan ba tayo na pagalingin sila? Ako masasabi ko wala akong kakayahan. Ang tanging alam ko lang ay subaybayan at gabayan sila sa oras ng kanilang pagdidiliryo. Kung iigi ang buhay mas mainam, kung hindi tanggapin na natin ang masakit na katotohanan, kung biglaan man ang pagkamatay ng mga mahal natin sa buhay. Tanggapin na lang natin ang masakit na katotohanan at palaging alalahanin ang mga masasayang bagay na kasama natin sila.

Mangyari lang po sana na kung may gustong magbigay ng kani-kanilang mga donasiyon o abuloy ay idirekta na po sa aking kaibigan na si @romeskie ang inyong tulong. Sobrang magpapasalamat na siya sa inyo. Ako na po ang nagsasabi. Kung sino lang naman ang may sobra o sabihin natin na may bokal na kalooban. Maraming salamat po at mabuhay ang mga Pilipino sa Steemit. Hanggang sa muli paalam.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Maraming salamat Deshawn. Nalulungkot ako kasi nakasanayan ko na rin naman na kasama ko siya magkape sa umaga kapag weekend. Yung paggising ko sa umaga, nakabili na siya ng pandesal o di kaya ay nakaluto na ng sinangag. Kahit nahihirapan na siya kumilos, hindi siya pumapayag na wala siyang gagawin sa bahay. Kahit na awayin ko siya para lang magpahinga siya.

Salamat sa pakikiramay kaibigan.

Walang ano man kaibigan. Basta lagi mo lang tatandaan alalahanin mo lang mga masasayang alaala na kasama mo siya. Kaya mo iyan ikaw pa.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64455.55
ETH 3147.84
USDT 1.00
SBD 3.94