NON FICTION: PAG-ASA.

in #steemph6 years ago

a9rw5a30t0.png

Larawan.



Kailan ba tayo nawawalan ng pag-asa at kailan ba tayo nagkaroroon ng pag-asa? Kailang ba tayo susuko kapag hindi na kaya? Ang lahat naman ay hangganan hindi ba? Bilib naman ako sa mga taong hindi nawawalan ng pag-asa. Kagaya na lang sa pag-ibig, kahit maraming beses na sila niloko ng kabiyak nila andiyan pa rin sila umaasa na babalik. Kaya dapat hindi natin sila hinuhusgahan, para sa akin diyos lang ang puwedeng humusga sa kanila. Kung hindi man kayo naniniwala sa diyos ay naiintindihan ko. Kaniya-kaniya naman tayo ng mga paniniwala sa buhay.
Ako masasabi kong madali ako mawalan ng pag-asa sa pagdating sa mga sugal at sa pag-ibig, pagdating naman sa ibang bagay masasabi kong "hangga't ako ay humihinga may pag-asa pa" - Bamboo. Walang masama kung aasa ka subalit sobrang hirap kapag nabigo, kaya pagdating sa pag-ibig huwag na huwag kayong aasa para kasing sugal iyan kaya bahagyang paasa lang sa sarili, kasi kapag sobra-sobra mas masasaktan ka lang. Ayos lang siguro na umasa ka sa ibang bagay kung alam mo naman masasaktan o kaya naman hindi ka matatalo. Siguraduhin lang na walang maaapektuhan na mga tao sa paligid. Ang importante ay unahin muna natin ang nararamdam ng kapwa natin bago ang sarili natin. Hindi baling tayo ang masaktan huwag lang sila. Dapat natin talaga pahalagahan ang nararamdaman nila.
Masama nga bang umasa? Hindi sa tingin ko pero huwag din dapat magpapakatanga. Alam ko na alam niyo na kung ano ang ibig ko sabihin. Minsan nangyayari din na tipong wala na talagang pag-asa tapos bigla na lang darating ang himala. Alam niyo iyon. Halimbawa sa Sabong pinapatay na iyong manok natin tapos biglang pumalo isa lang at sa leeg ang tama ng kalaban e 'di patay agad hindi ba? Ganiyan naman ang isang halimbawa. Sa pag-ibig kahit mahal natin ang isa tao huwag na tayong umasa na babalik sila, kasi kapag niloko tayo nila at pinabalik natin sila alam nila sa sarili nila na tanga tayo kaya kahit anong gawain nilang mali ay papatawarin natin sila. Akala lang nila iyon dahil kapag nasira na tiwala ko sa isang tao hindi na maibabalik kahit na kailan. Pangalawang pagkakataon ba kamo? Oo bibigyan kita kung ang dahilan ay simple lang, kapag nanalalaki ka ibang usapan na magsama na lang kayo haha. Ayan nga pala mga halimbawa ko at hango sa tunay na buhay hindi kathang-isip lamang.
Saan nga ba nakikita ang pag-asa? Sa tingin ko kapag may hawig lang sa katotohan kapag sobrang layo sa katotohanan wala ng pag-asa. Dapat tayo magpakatotoo sa sarili natin at huwag na huwag lolokohin ang sarili. Iyan ang mga natutunan ko simula nang bumukod ako ng bahay. Buhay pa ako at malakas ang paghinga kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa na magagawa ko ang mga gusto ko sa mabuting paraan ha? Nasadlak man ako sa putik heto ako ngayon bumangon at mas malakas kaysa sa dati. Umaasa pa rin na darating ang tamang panahon sa lahat ng mga bagay na gusto ko mangyari. O siya hanggang dito na lang itong kaek-ekan ko haha. Hanggang sa muli paalam.



bwqc1uzjnt.png
tqy91cwceu.png

Sort:  

Ang astig ng baybayin name! Ako, hindi ako mawawalan ng pag-asa na magkakatoon din ako ng baybayin name ko. Hahaha

Oo naman hanggat humihinga tayo may pag-asa pa haha. Go lang nang go sister.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63799.64
ETH 3130.40
USDT 1.00
SBD 3.97