"SABAY SA AGOS".

in #steemph6 years ago (edited)

LuangPB.jpg

Ang larawang ito ay sa akin.


Isinilang ka para maging isang alamat
Salamat. Bagamat ang puso ko'y tapat
para sa'yo hindi pa rin ito sapat.
Hinarana kita doon sa Palawan
dinaanan lang at iyong tinawanan
nanonood ka lang pala ng Detective Conan.

Huling hirit sa tag-init, unang banat sa tag-ulan
daang daang larawan, ang mga nagdaan
libo libong tao ang binasahan at binigkasan
kailan ba darating ang mutya sa Bulacan?
Pilit kitang inaabangan sa daungan
baka sakaling marakating tayo sa patutunguhan
sa panaginip na nga lang ba kita makakalampungan?

Panay ang papansin ko sa'yo, titig nang titig
hindi mo ba naisip kung bakit ako sa'yo ay nakatitig?
Gasin sa iyong ngiti, tattoo sa iyong paa
larawang mo na ubod ng ganda, mabibigyan mo ba ako ng pag-asa?
Sa dami ng mga lugar na natunguhan mo
bakit hindi ka pa sa puso kong nagsusumamo?

Alas dose na ng gabi, alam kong ika'y tatalilis na
masasabi ko andito ako sa tuwi-tuwina.

Sort:  

May pagka-romantiko pu pala kayo Kuya @twotripleow Malayo pu sa nababasa ku na imahe niyo sa Tambayan ni Kuya @Toto-ph na maginoo pero sobrang bastos bait.

Uy hindi ako iyon "medyo" lang ako baka ang tinutukoy mo ay si Beyond haha. Romantiko ako kapag nasasaktan haha. Salamat Ling-Ling.

hindi ako yun ...si @johnpd yun :D

Ibang klase naman talaga nga naman amg nagahawa ng pag-ibig. Ok lang ba kung mapikon siya @twotripleow? At least kahit papaano, alam mong sineryoso niya yung mga biro mo.

Haha iyan mga ganiyan kailangan ko pampalakas loob kaso ignore user ang nangyari sa'kin at iyon ang masakit.

napa ka sweet naman 2K, naniniwala ako na sa totoong buhay ikaw na ikaw yan , ibang magmahal bulakeño...heheheh!!!

Haha. Ang problema hindi ako pinapansin, lahat ng mga kras ko hindi na ako pinapansin haha. Iyon ang masakit doon.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you kindly.

Napakagandang tula @twotripleow! Mabuhay ang makatang Pilipino!

Salamat sa'yo at mabuhay rin!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64222.08
ETH 3135.29
USDT 1.00
SBD 3.99