Baybayinista Comix 1

in #steempress6 years ago (edited)


Si Gat Dayaw ay isang Baybayin Pulis na handang maglingkod.

PROLOGO

MAGKAPE PO TAYO. Sa oras na ito ay maaaring antok ang nangingibabaw sa isip n'yo kaya kailangan po natin ng pampagising.

Sa mundo ng mga Baybayinista, buhay na wari po ang dapat maghari. Hindi po tayo dapat tutulog-tulog pa dahil ang Baybayin Tagalog ay muling nagbabalik. Oo, kaya po nandito ang inyong lingkod ngayon bilang isang mapagmasid na Baybayin Pulis. Hindi po ako magpapatumpik-tumpik pa, huhulihin po namin ang mga larawan at sulat na may maling paggamit ng Baybayin. Hindi namin kayo tatantanan. Walang personalan, AKO AY BAYBAYIN PULIS!

"SULONG BAYBAYIN!" 'Yan ang sigaw namin at huwag na huwag pong kalilimutan na may kabuluhan ang aming panawagan.

Kaya ituloy po ang pagbasa dahil dito nakasalalay ang aming kikitain... este.. ahem... ang pagkakilala n'yo sa amin bilang mga tagapaglingkod na Baybayinista.

Noon, wala pa po akong kaalam-alam sa Sulat Baybayin natin na binababoy. Pero nang malaman ko mula sa isa ring Baybayin Pulis na si Siklab na may mga hindi makasunod sa paggamit ng Baybayin ay hindi ko na po natiis pa at ako'y nagpakadalubhasa sa Pamantasan ng Baybayin Pandayan (PBP). 'Yun na po ang naging simula ng pagkadedikado ko.

Nang ako'y maging isang Baybayin Pulis sa Katipunan ng Sulong Baybayin, isa lamang ang hangarin namin: Ipatupad ang tamang paggamit ng Baybayin sa bawat larangan ng sining.

Pssst! 'Wag pong aanga-anga dahil kapag natuklasan namin na mayroon pong pagkakamali sa inyong sining na may Baybayin ay pupunahin namin ang inyong katha. Hindi po para pahiyain kayo, kundi para itama po lamang ang bawat maling karakter na ginamit at ituro ang wastong pagsulat.

Tandaan, wala po kaming hinihingi kundi pang-unawa lamang. Sa pagwawasto po ay may kaayusan.

"SULONG BAYBAYIN!"



BAYBAYINISTA COMIX © @baybayinista




Posted from my blog with SteemPress : https://dcomix.com/baybayinista/2018/07/30/baybayinista-comix-1/

Sort:  

@baybayinista, I gave you an upvote on your post! Please give me a follow and I will give you a follow in return and possible future votes!

Thank you in advance!

Congratulations @baybayinista! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published your First Post
You got a First Vote

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @baybayinista! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard and the Veterans on Steemit - The First Community Badge.

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.031
BTC 61745.50
ETH 2898.66
USDT 1.00
SBD 3.61