Si boy At girl.. Chapter12

in #story6 years ago (edited)

Si boy, pagkatapos ng mahabang trabaho excited syang tingnan ang phone, siguradong may text si girl. Pero nagulat sya bakit ganun ang text nito. Sino kayang syota nya ang tinutukoy ni girl. May nasagap kaya itong maling balita tungkol sa kanya? Tinawagan nya phone nito pero di nya makontak. Halos di makatulog si boy, nababahala sya at naguguluhan. Magkasama pa lang sila ni girl at nagkakaintindihan pero bakit ngayon ang labo na naman.

Pumasok pa din sya kinabukasan, pupunta na lang sya sa bahay ng tiyuhin ni girl mamaya bago sya umuwi. Pero dahil tumawag ang pinsan nya na dumalo sya mamaya sa birthday nito hindi nya ito mahindian. Medyo okay naman din na dumalo sya kasi sinanla din nito sa kanya ang isang motor nito. Maigi yun at may magagamit sya pagpasok. Ayaw nya pang kumuha ng sariling motor kasi mahirap hulugan lalo na't nagbibigay pa din sya sa kanyang magulang.

Kinabukasan day off ni boy, sasamantalahin nya ang araw na yun na puntahan si girl sa bahay ng tiyuhin nito. Nanlumo sya wala daw doon si girl, may work na daw ito at nangupahan din sa malapit sa work nito, pero di nila alam yung address. Umalis syang gulo ang isip, kaya naisipan nyang dumaan sa baclaran simbahan para makapagsimba na din.

Habang nasa simbahan may pamilyar na mukha syang nakilala, mukhang si girl yun. Lalapit sana sya para makausap ito pero naisip na huwag muna. Palihim nya na lang itong pinagmasdan at sinundan nya din ito. Akalain mo yun, dito nya lang pala makikita si girl. Aalamin nya kung saan ito nakatira kaya susundan niya ito hanggang sa umuwi ito.

Nagtagumpay nga sya, nalaman nya ang inuupahan nito. Bumalik sya ng hapon para sundan ulit si girl, panggabi daw ito sabi ng tiyuhin nito kaya aalamin nya kung saan ang work nito. Buti na lang may motor sya ngayon. Ang galing talagang gumawa ng paraan ng Diyos, mula sa motor then sa simbahan, dun nya lang pala makikita si girl.

Panatag na ang isip nya, atleast alam nya na kung nasaan si girl. Ayaw nya lang magpakita baka lumayo nanaman ito. Ang labo pa naman nito minsan at tupakin din. Sana lang maging ligtas ito gabi-gabi papuntang work. At para masiguro nya ang kaligtasan nito palihim nya itong sasamahan sa pagpasok nito sa trabaho. Tamang-tama naman pag out nya deritso na sya sa place ni girl para masamahan ito.

Pasasaan ba't magiging okay din ang lahat sa kanila ni girl. Kailangan nya ding mag ipon para sa kinabukasan nila. Sa ngayon okay na sya sa ganitong paraan. Masaya na syang nakikita nya si girl, pero palagi din itong malungkot. Di ito yung girl na palaging naka smile kahit kanino, bungisngis at makulit din, napakatahimik nito ngayun. Sana maibalik nya ang dating sigla nito, sana dumating na ang tamang panahon na yun.

Ito po lahat ng chapter ng kwento. Medyo natagalan po ang chapter 12 kasi busy po masyado kasi malapit na pasukan. Sana po magustuhan nyo ang kwento kasi malapit na din po syang matapos.

Chapter 1:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/ako-ba-ang-nagkulang-o-ikaw-ang-di-lumaban

Chapter 2:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/how-do-you-heal-a-broken-heart

Chapter 3:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/pinaglalayo-nga-ba-sila-ng-tadhana

Chapter 4:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/bagong-pag-ibig-ba-o-panibagong-pagkabigo

Chapter 5:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/masakit-na-kabanata-ng-pag-big!

Chapter 6:
https://steemit.com/kwento/@lynbabe10/surpresa-ng-pagmamahal-from-boy-with-love

Chapter 7:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/sana-ako-na-lang-sana-ako-parin-ako-na-lang-ulit

Chapter 8:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/tayong-dalawa-kahit-ngaun-lang-kahit-saglit-lang-at-kahit-sa-huling-pagkakataon-lang

Chapter 9:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/sa-mga-mata-mo-nakiita-ko-ang-walang-hanggan-natin

Chapter 10:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/susunod-ako-sa-agos-hanggang-sa-tangayin-ako-papunta-sayo

Chapter 11:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/hindi-man-tayo-mananatili-ka-sa-puso-ko-salamat-sa-pagmamahal

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63900.40
ETH 3140.82
USDT 1.00
SBD 3.98