Tagalog Serye VII : Ikatlong Bahagi Mula sa Unang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Ang larawang ito ay mula kay Ka Toto na ang apelyido ay Hanan. Samakatuwid galing kay Ka Toto Hanan. Meron po itong karagdagan at pangdiinang @balikrespeto bilang pagpapaalala na dapat ay "wholesome" ang aming mga likha.

Unang bahagi na isinulat ni @rodylina -- Ang Patimpalak

Ikalawang bahagi na isinulat ni @beyonddisability -- Panaginip

Ikatlong Bahagi -- isinulat ng inyong lingkod @cheche016 -- Ang nakaraan ni Henry



Ang Nakaraan

"Kamusta Henry", wika ng repleksyon
"Sino ka", wika ni Henry
"Ako ikaw. Pero mas higit ako sa iyo. Kaya kong tuparin ang mga pangarap natin", wika ng Henry sa repleksyon na boses ng isang gumon sa ipinagbabawal na gamot.
" Di nga?! Anong tinira mo? Lakas ng imahinasyon natin pre ah. Nakailang dosage ka na ba?", si Henry na nagtataka
"Tampalasan", galit na wika ng Henry sa repleksyon



Pagtutuloy

Gulat na gulat si Henry sa mga nanyayari na tila hindi maintindihan. Humiga sa kama, tumayo naglakad sa labas ng terasa, tumingin sa labas at pumasok na muli sa kanyang kwarto na balisa at iniisip ang bagay na naranasan mula sa salamin. At tinatanong ang sarili sino ang boses na yon.

Naputol ang pagtatanong nang may kumatok sa pinto.... Tok..tok... tok...

Sir Henry handa na po ang hapunan hinihintay na po kayo nila Ma'am at Sir -- sambit ng katulong na kumatok sa pintuan ni Henry

Sige manang susunod na ako... - Sagot na maagap ni Henry

Sa kabilang dako

Oh uminom ka ng tubig ate Ashley! sabay bato ng bote ng mineral water ni Mildred

Mildred! buti catcher ako kung hindi sa mukha ko to sasakto at ibabalik ko sa mukha mo! - asar na sambit ni Ashley

Ashley mag-thank you ka nalang buti sinampal kita kung hindi bangkay kana-- yabang ni Mildred sa kapatid

Tinignang muli ni Ashley ang baul na akala nya ay nabuksan na at nag-iisip na tila lahat ng nanyare kanina ay pawang panaginip lang.

Ngayon ka lang ba dumating Mildred? Hindi ka ba nagtago sa kama ko at tinakot ako? -- tanong nito

Ate Ashley? Ok kana ba talaga? Dumating ako dito para kunin yung damit ko nung isang linggo mo pa hiniram. Pagdating ko umuungol ka na tila binabangungot. Kaya sinampal kita at natuwa ako kasi nakabawi ako sayo..... pero sinampal mo ulit ko so may utang ka ulit sana bangungutin ka ulit para sampalin ulit kita! -- buong paliwanag ni Mildred

Imposible binuksan pa nga natin yung baul eh at may mga nakita tayong isang bugkos ng buhok at kwintas. Basta yun ang nangyari naguguluhan ako, matapos ang Patimpalak at may baul pa na nakikigulo. Natatakot ako Mildred ngayon lang nanyayari ang mga ganito sakin at hindi ko alam bakit? -- pagpapaliwanag ni Ashley

Relaks ka lang.. huminto kana ba sa pag-tira ng ekstasi? char! Buksan natin ngayon ang baul para hindi kana matakot. Wag mo rin kasi tinatakot ang sarili mo. -- pagpapalakas ng loob nito sa kapatid

Binuksan nga nila ang baul at kanilang nakita ang tatlong bagay sa loob nito.

Sila ay gulat sa mga bagay na nakita sa loob at kasama nga doon ang kwintas at bugkos na buhok na kung saan ay nakita rin ni Ashley sa kanyang panaginip. Ngunit may isa pang bagay silang nakita. Isang Mapa ... oo mapa ... nagkatinginan ang dalawa sa isa't isa at na may pahkakaintindihan na ang baul na may mapa ay senyales ng kayamanan...

HMMMMM... Para sa kayamanan nga kaya ang mapa na ito?

Bakla! San mo ba nakuha tong baul weird may kwintas at may bugkos ng buhok? tapos may mapa? hindi kaya ito ay magtuturo na para sa ating pag-yaman? -- tuwang sambit ni Mildred

I don't think so Mildred, kasi nakakaramdam ako ng hindi maganda nitong mga nakaraan. Nakakarinig ako ng boses ng babae na nagsasabing lumayo ako sa kanya ngunit hindi nya sinabi kung kanino -- takot na pinaliwanag ni Ashley kasy Mildred ang lahat

Boses babae na pinalalayo ka.. kanino? Sinu ba kasama mo ng time na yun? -- pagiimbestiga ni Mildred

Si Jona kasi inayusan nya ako at yung eskort ko -- sagot ni Ashley

yung eskort mo na gwapo pero masunget? -- tanong ni Mildred

Kelan ka pa nagkainteres sa lalaki? hahaha -- pang-aasar ni Ashley

Grabe ka sa akin, lalaki lang tayo kumilos at minsan manamit pero pusong babae parin tayo atsaka ikaw ang boyish sa kwentong to..EX-cuse me!! -- madaling sagot ni Mildred

Sa bahay nila Henry

Oh Henry Iho, kumusta na? Anung balita sa eskwelahan sana ok naman ang mga grades mo? Maganda pala ang muse nyo na kapareha mo sa contest ah. -- bati ng ama nito kay Henry

Ok naman po.. Yeah she's pretty but little bit boyish... buong contest ata kating kati sa gown nya at reklamo dahil sa sikip (fit kasi ang damit) -- paliwanag ni Henry

anyways.. magpahinga kana at may pasok pa kayo bukas -- paki-usap ng ina ni Henry

yes, Ma akyat na po ako -- sagot ni Henry

Umakyat si Henry na tila lugaw parin ang isip sa mga nanyari kanina at pumunta muli sa harapan ng salamin...

Missed me? -- sabay halakhak ng lalaki sa salamin na tila nakakabingi sa pandinig ni Henry

Sino ka ba? Anu bang kailangan mo? Ano bang nanayari ? -- sunod-sunod na tanong ni Henry

May misyon ako at kailangan kita. Ako at ikaw ay iisa. Hindi mo ko maiiwasan at dapat mo akong sundin. Ikaw at Ako ay iisa-aaaaaaaahhhh !!!! HAHAHAHAHA. -- sambit ng lalaki sa salamin at namatay ang ilaw ng kwarto at suminding muli pagkalipas ng ilang minuto

Sa Kwarto ng magulang ni Henry

Papa, natatakot ako mag 21 na si Henry diba at naalala mo ba ang paliwanag sa atin ng manggamot sa Bundok Tralala? -- takot na inalala ng ina ni Henry ang nakaraan

Mama, wag ka matakot sa loob ng 20 taon nating kasama si Henry wala tayong senyales na nakita na sinabi rin ng manggagamot. Monitored natin si Henry kada oras sa school ma o dito sa bahay ngunit ni-isang senyales ay wala. -- pagpapaliwanag ng asawa nito

Sana nga Pa, hindi ko kaya na ang anak natin ay mapahamak at salamat sa iyong pagtanggap, pagmamahal sa kanya at tinuring mo syang tunay na anak. -- sambit ng asawa

Mahal ko kayo ni Henry ... Mahal ko kayo ng anak ko... -- buong pusong niyakap ang kanyang asawa


OPPPPSSSs -- ITUTULOY ---

  • Anu nga bang sekreto meron ang baul? -- Kwintas, bugkos ng buhok at Mapa
  • Ang mapa nga kaya ay para sa kayamanan?
  • Sinu si Henry at anung klaseng nilalang sya?

Tunghayan natin ang susunod na kwento sa magtutuloy nito.. GL (Goodluck)


Mga Karakter

• Evil Albino (masyado pa pong maaga para matukoy kung sino siya, malamang nagbabalat-kayo!)
• Boyish Girl - Ashley Trinidad na kapag nakita ng mga kalalakihan ay siguradong mabibighani sila kahit ito ay tila lalaki kung kumilos

Mga Elemento sa Kwento na nagamit
• Lock of Hair ✔

• Tomb (ang puntod ni Lola)✔

• Split Personality ✔

Tema ng ika-Pitong Serye
Unang Pangkat : Thriller

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Unang Pangkat

@rodylina, @beyonddisability, @julie26, @cheche016, @kendallron, @valerie15

Ikalawang Pangkat

@romeskie, @twotripleow, @jemzem, @johnpd, @tpkidkai, @artgirl

Sort:  

Ayy ibang level! Nakakatuwa ang takbo ng storya! Kahit natatakot ako, binasa ko pa rin. Hahaha. Very nice @cheche016!

Parehas exciting ang mga kaganapan! 😃 Totoo ngang balik respeto na ang edisyong ito! Galing sis!

@cheche016 you were flagged by a worthless gang of trolls, so, I gave you an upvote to counteract it! Enjoy!!

Congratulations @cheche016! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @cheche016! You received a personal award!

1 Year on Steemit

Click here to view your Board

Do not miss the last post from @steemitboard:

Christmas Challenge - Send a gift to to your friends

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @cheche016! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60953.94
ETH 2920.49
USDT 1.00
SBD 3.57