TagalogSerye : Ika-apat na Araw Mula sa Unang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago

Isang Mapagpalang Araw po ;)

Bago ang lahat nais ko muna i-bida ang unang tatlong bahagi na ginawa ng aking mga kagrupo upang inyong malaman ang pagkakasunod sunod at ang daloy ng kwento.

Unang Araw - akda ni @tpkidkai

Ikalawang Araw -akda ni @beyonddisability

Ikatlong Araw - akda ni @rodylina

At akin pong inihahandog ang pang-apat na araw na kwento para sa patimpalak ng tagalogserye



Si Mikaela umiiyak habang nagtago sa CR upang hindi maistorbo o magising si Rafael sa pagkakatulog.

woman-1006102_1920.jpg

PINAGKUNAN

" Anung gagawin ko? Bakit sya pa? Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Hindi ba pwedeng iba na lang?" Sambit ni Mikaela habang tinatanong ang sarili sa mga nalaman.

Mga tanong na sadyang hindi rin nya alam ang sagot. Sadyang kailangan ng proseso para maibsan ang kanyang pag-dudusa at lungkot sa nalaman.

Kanyang tinabihamg muli si Rafael at hinagkan. Na tinugunan naman ng binata (At oo nanyare ang mga dapat manyare). Basta something maapoy at mainit na Laban.

Kinaumagahan...

" Psst- kanina ka pa gising? wow! aga mo nagluto ng agahan ah? anu meron? " tanong ni Rafael na mukhang gutom na.

" Wag ako Paeng! nagluluto talaga ako takot ako magutom alam mo yan. At kung aasarin mo lang ako wag kana kumain bukas pinto LAYAS. go" masungit na tugon ni Mikaela na sa totoo lang keme lang ..

" Alam mo cute mo talaga pag nagsusungit" "pang-aasar na banat ni Rafael.



"Woooh! Tambay nanaman tayo sarado bar! Buti Hindi ka nahuli Mikaela?" Tanong ni Gabby

Walang imik si Mikaela ... Nakatulala... Walang pakialam sa katabi..

"HOY! Anu kana ? Wala ka sa sarili mo! Hindi yan dahil sa bar alam ko! Tell me bakla!" Sigaw at panggugulat ni Gabby

"Napanuod ko na yung USB. Bakit Hindi mo sinabi? Bakit yun ang misyon? " Iyak na sabi ni Mikaela.

"Affected? diba iniwan ka naman nya? At sinabing Hindi ka Mahal.. Wala nga pakialam sayo yung tao na yun e! Sorry hayop pala" tugon ni Gabby.

"Bumalik sya ! Sya ang nagligtas sakin kagabi. Alam mo ba yun? At Mahal pa namin ang isa't isa." Sambit nito.

"Woooooh! Mikaela pwede ba? Walang forever ! Inalam mo ba bakit sya bumalik? Inaalam mo ba Kung ano pakay niya at bumalik pa sya?P*** naman sa tinagal tagal nagyon pa sya babalik Kung kelan may misyon tayo?" Pampagising na tugon ni Gabby.

Napaisip si Mikaela sa sinabi ni Gabby na may punto at laman.

Umalis si Mikaela upang hanapin ang sarili sa mga nalaman at paghahanda na rin.



people-2557396_1920.jpg

PINAGKUNAN
Nagkita Kita ang 6 na anghel maliban kay Rafael.. (hindi sila talaga anghel ito ay code name lamang)

" lahat ba kayo nakapanood na ng USB? Yung pangalawa kong set na sinend ah Hindi yung una pasenxa na sa una pero alam nyo naman raket ko yun. Atsaka open-minded naman kayo diba?" Panimula ni Judiel na tipong medyo nahihiya sa nangyareng pagkakamali.

"HAHAHAHAHA! Hayop ka talagang babae ka! Raketera masyado! Yan kain at pahinga ka namn mabawasan ang katalinuhan mo girl :) " sabat ni Salatiel na tawang tawa.

"Oo lahat kami nakapanuod na at nakausap na ni Mikaela si Rafael. Pinakilig nanaman sya." Gabby na nagsusungit.

"Hoy! Sinong kinilig di noh! Walang ganun!"
Namumulang sagot ni Mikaela.

"Bakit namumula ka?" Sita ni Uriel.

"Tama na yan guys. Past is past diba ? Yaan mo na sila baby Mikaela" panglalandi ni Barachiel sa matagal ng ginigiliw.

"Bara! Magtigil. So game na sa misyon anu ano ba dapat gawin? At sinu talaga kalaban natin? Maliban kay Rafael?" Maagap na tugon ni Mikaela.

Inilahad ni Judiel ang lahat na sadyang napakasama ng balak ni Rafael para kanilang lahi na syempre alam naman na si Rafael ay anak ng pinunong si Abraham ng Pulang Mata na siyang kumidnap sa 6 na anghel nung sila ay mga bata pa at ang pang pito ay si Rafael. Sila ay pinalaki upang kalabanin ang sarili nilang angkan at protektahan si Rafael.
Ibinigay din ni Judiel ang mga kasabwat ni Rafael na sadyang malalakas at mahirap talunin. Malalakas ang mahika at matatalino rin pero kumpiyansa si Judiel na kaya nila ang kalaban bukod sa sila ang bida.



people-2557408_1920.jpg

PINAGKUNAN

Nagkitang muli si Rafael at Mikaela.

"Hello bhessy kanina ka pa?" Bati ni Mikaela.

"Bhessy ka Jan ? Nagbago ka bigla. Parang Hindi Kita sinasabmarine at heli Jan ah?" Sagot ni Rafael na medyo may tampo.

"Pwede pakihinaan yang boses mo? Baka gusto mo itarak ko tong tinidor sa lalamunan mo." Asar na tugon ni Mikaela na nahiya sa mga nakarinig ng sinabi ng lalaki.

"Hahahaha. Joke lang sweetie. Kalma chocolate donuts oh. " lambing ng lalaki.

"Anu ba pag-uusapan natin? At napatawag ka at well sosyal pa-coffee pero ayoko sa networking ah ayusin mo." Tanong ng dalaga.

"grabe nagkape lang networking na pilya mo talaga. Bale gusto ko sana ayain ka umanib sa grupo namin na Kung saan lahat ng umapi sa angkan natin ay ating tatalunin." Sagot ni Rafael.

Lahat ay umaayon sa Plano ng grupo. At tama si Judiel sa nais at motibo ng lalaki sa pagpaparamdam muli. Nanh mamatay ang si Ka Abraham tanging si Rafael na ang naging leader. Umalis at umayaw sina Mikaela at ang grupo simula ng nalaman ang tunay na layunin ng PULANG MATA.

"Paeng! (Pasweet na tawag nya kay Rafael pero di ko sigurado if sweet nga iyon), sasama ako basta two order ng Jumbo lomi sa batangas!"sagot ng matakaw na babae.

" kain konstraksyon ka parin? Kaya malakasan ka e ." tugon sabay hagalpak ng lalaki.

"Well ayoko magutom pleth. Mahirap makipaglaban ng gutom .Alam mo yan!" Tugon ng ni Mikaela.

Aanib at magiging mata ng grupo si Mikaela laban kay Rafael. Ngunit Nasa punto si Mikaela ng buhay na mamimili kung pag.ibig o lomi batangas, este pag ibig o iligtas ang buong earth at angkan nila.



Alamin ang sususnod na twist go sis @valerie015

Bilang ng salita : 1000



Wooooooooh! Maraming salamat po sa mga nagbigay ng oras para basahin ang aking unang kwentong ginawa pero ito po ay pang -apat na bahagi ng aming dugtungang akda at Good luck po sa ikalawang grupo ienjoy lang po natin ang lahat at sadyang na-enjoy ko po ito. Salamat katropang @tagalogtrail sa patimpalak na ito.

Mga Karakter

  • Ang Maalindog: Isang babaeng may kumpyansa sa sarili at kayang magpaikot ng tao sa kanyang palad

  • Ang Nagbabagong-buhay: Isang taong nais kumawala sa kasalanan ng nakaraan



Unang Pangkat
@tpkidkai - Lunes
@beyonddisability - Martes
@rodylina - Miyerkules
@cheche016 - Huwebes
@valerie15 - Byernes

Ikalawang Pangkat
@johnpd - Lunes
@jazzhero - Martes
@jemzem - Miyerkules
@jenel - Huwebses
@creyestxsa94 - Byernes

Sort:  

Hey there Ohana! You were featured on the #99th edition of Steemitfamilyph's Featured Posts. Congratulations!

Thank you ohana oh na na 😍

Lomi batangas na lang ang piliin! haha. Nagtransform ang karakterk ni Mikaela at naging matakaw din :D
Maganda yang double agent plot twist, mas magiging maaksyon at madugo siguro ang susunod na kabanata. At baka magpakita na ulit si Ricardo Dalithay haha.

Actually need nia kumain @jazzhero dahil mapapalaban xa lagi lalo na kasama na nia si Rafael 😂
Well lugaw talaga ako sa kwento now lang ako gumawa ng ganito ... Hahaha

Kaya ito ay kwentong barbero.

Success ang dugtong kasi exciting pa rin. Nakalusot din ang kainan haha - tama labanan na nga kasi next part. Si @valerie15 na pala ang magtutuloy ng laban. Pasabog siguro ending lol.

Mas uma atikabo ang mga eksena. Hahaha paano kaya to matatapos? Excited na ako sa mga nangyayari. Atleast dito #feelingloved ako at walang nangyayari sa akin.

Malay mo sa huling yugto masingit ka tropa 😂

Hahaha nako paarang awa nyo na wag nyo na ako isali pa. Hahaha ang hirap maka move -on from pinatay tapos bubuhayin ulit. Juice ke lerd!

Ano kaya ang plano ng mga taga Pulang Mata sa pamumuno ni Rafael?
Plano kaya nilang palaganapin ang sore eyes?
O baka epekto yun ng bato?
Gaano kaya karaming chicharon ang taglay ng loming Batangas
Sa lahat ng katanungan ito ,kelan kaya lalaki ang sukat ng pasas.
Abangan ang katapusan bukas ng Tagalogserye.

Sound effect

double agent
secret agent
espiya

pag-ibig o sangkatauhan
nice one @cheche016

abangan nag twist bukas

Hahaha.. Shhhh ating alamin ang twist sa huling yugto na gagawin ni sis @valerie15 ...

Andaming ganap. Andaming karakter. Ang gulo ng mundo. Nyahahahaha!!! Pano ba to ha.. hmmmmm..

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 67659.31
ETH 3802.76
USDT 1.00
SBD 3.75