Tagalog Serye: Ikalimang Bahagi ng Pangalawang Pangkat || Ang Umpisa ng Digmaan!

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Unang Bahagi
Pangalawang Bahagi
Ikatlong Bahagi
Pang-apat na Bahagi

Ang nakaraan...

"Magmadali na tayong bumalik kailangan na natin pumunta ng headquarters, yan ang mensahe ni Master Beat"

DQmUQoWRR6ZeSRKzWF8UJLEiegDnzb9Yk6fSL2pZc9g3X8x_1680x8400.png

Kumapit nang mahigpit si MinMin kay Rafael aka Capt BD pabalik sa kanilang headquarters. Di nila alam kung bakit minadali silang pauwiin ni Master Beat.

"Master Beat, may problema po ba? Bakit bigla niyo kaming pinabalik?" tanong ni Capt BD.

"Malaki! Tingnan mo ang kuha ng CCTV mula sa ating satelite. Iyan ang mga pinakabagong halimaw na gawa ni Dr. John D. Paul na tinawag niyang 2tripleKen Doll at Pepe Co!" sagot ni Master Beat.

"Luh, nadagdagan ang ating kalaban! At kung dati ang EXKO lang ang ating problema, ngayon may mas malakas pang kalaban ang kailangan talunin!" dagdag naman ni MinMin.

"Oo, kaya kailangan na natin ng full force upang sugpuin ang kasamaan ng sira ulong doktor na si John D. Paul." si Master Beat.

Agad na tinawag ni Master Beat ang lahat ng mga masters na sina Master JackCold at Master MT pati narin sina Capt BD, MinMin, at Rodylina. Pinag usapan nila kung paano nila tatalunin ang mga kalaban!

Pinanood nila nang sabay ang CCTV footage kung saan nakuhanan ang fusion na nangyari kay Pinunong Kron at sa halimaw na si DeShawn. At nakita rin nila kung paano nagtransform si Pepe Co sa pagiging GREEN! Ngayon alam niyo na, si Dr. John D. Paul pala talaga ang may pakana ng lahat!

Sa underground laboratory, 24 oras ang nakalipas bago nangyari ang fusion at transformation...

Galit na galit si Dr. John D. Paul nang makita ang laman ng briefcase ni Tippy! Ang akalang laman ni Valerie na mga brief ay mga injectables pala na pinaghihinalaan nilang antidote na makakapagbalik anyo sa mga EXKO sa kanilang totoong pagkatao! Lalo pa siyang nagalit nang malamang nawawala si Tippy.

Dahil dito, nakumpirma nga ng doktor na isang "spy" si Tippy at naghihintay lamang ng pagkakataon upang siya ay pabagsakin. Itinago niya ang pinaghihinalaang antidote at inutusan ang lahat ng EXKO na hanapin at patayin si Tippy!

Samantala, nagtagumpay si Tippy sa kaniyang pagtakas at dumiretso agad siya sa headquarters ng mga MASTERS upang puntahan si Capt BD. Malakas kasi talaga ang kaniyang kutob na anak niya ang matipunong binata dahil nga sa balat nito sa dibdib.

Pagkalapag niya sa headquarters gamit ang kaniyang private jetplane, tinutukan agad siya ng mga naglalakihan at nagtataasang sandata ng mga MASTERS!

"Ano ang ginagawa mo dito sa aming headquarters?" tanong ni Master MT (Malaysian Thoughts).

"Nandito ako upang kausapin si Rafael aka Capt BD dahil sa tingin ko ako ang kaniyang ama! At may dala rin akong magandang balita para sa inyo!" sagot ni Tippy.

"Ala eh, kung gay-un pumasok ka na sa aming headquarters at doon ay pag-usapan na natin ang magandang balita." wika naman ni Master JackCold.

Pagkapasok niya sa headquarters ay nakita niya ang gwapo at machong si Rafael aka Capt BD na kausap ang mga kaibigang sina MinMin at Rodylina. Binigyan ng mga MASTERS ng panahong makapag-usap ang dalawa. Sa kanilang pag-uusap nakumpirma nga ni Tippy na anak niya si Rafael. Napapanaginipan din daw kasi ni Rafael ang isang babaeng miyembro ng FAAZAXIA. Dati ay naguguluhan pa siya kung bakit, pero ngayon ay nasagot na! Siya pala ay ang kaniyang ina! Nagyakapan at nag-iyakan ang mag-ama sa kasabikan sa isa't isa!

Matapos ang makabagbag-damdaming eksena ay pinulong ni Tippy ang mga MASTERS at si Capt BD. Sinabi niyang hindi na sila dapat mag-alala dahil nakagawa na siya ng antidote upang mag-anyong tao muli ang mga EXKO! Kaya ngayon ang kalaban nalang na sina 2tripleKen Doll at Pepe Co ang kanilang problema!

Sa underground laboratory ulit...

Nataranta si Valerie sa kaniyang nalaman na si Dr. John D. Paul ay pumunta na pala ng Tagum upang doon maghasik ng lahi, este lagim. Ang usapan kasi nila ang mga chiks, este mga tao muna sa Metro Manila ang una nitong titirahin. Pero dahil paborito ng doktor ang Siopao Asado, nabighani talaga siya sa bilugang babaeng mukhang siopao!

Kaya lumipad si Valerie kasama ang mga EXKO, at ang kanilang pambatong sina 2tripleKen Doll at Pepe Co sa Tagum kasama pa ang kanilang resbak na sina Master Lee Bug at Chodora SoAlone upang doon maghasik ng lahi, este lagim!

Sa Tagum City...

Nagsitakbuhan ang mga tao sa nasabing siyudad sa paglapag ng isang spaceship na hugis paa ng camel! Mula sa FOLLOWPIAN tube ay nagsilabasan ang dalawang halimaw at ang iba pang mga mukha ring halimaw. hahaha

Si Master Lee Bug at ang mga EXKO ay nagsilabasan ng kanilang nagtitigasan at naghuhumindig na mga sandata, habang si 2tripleKen Doll at Pepe Co ay itinutok ang kanilang balls sa mga tao at nagpasabog ng malalapot na fireballs!

Sina Valerie naman at Chodora SoAlone ay smoking weeds at drinking hard lang sa loob ng spaceship at si Dr. John D. Paul ay patuloy parin ang panunuyo sa babaeng mukhang siopao!

Sa Master's Guild HQ

"Nagsimula na ang pananakop ng mga Tokamel sa Earthia! Hindi sila maaaring magtagumpay! Kailangan nating iligtas ang mga tao sa Tagum!" galit na wika ni Master Beat!

Sumang-ayon naman ang mga masters pati narin sina Capt BD. At agad-agad silang bumuo ng isang matinding plano upang talunin ang KASAMAAN ng mga kalaban!

Nagsanib pwersa ang mga MASTERS na sina Master Beat, Master MT, Master JackCold, Capt BD at ang ama nitong si Tippy, pati ang mga ka tropa niyang sina MinMin at Rodylina. Siyempre di rin magpapahuli sina James Anity, at Jemzem, sumama narin sa misyon na tinawag nilang "Project Durugin ang Kalaban!"

Dahil mga doktor at siyentipiko rin naman ang mga masters pati narin si Tippy, gumawa sila ng napakatinding serum kung saan mabibigyan sila ng lakas na katulad kay Thor, bilis katulad ni The Flash, talino katulad ni Iron Man, at matinding charm na katulad ni Captain America! At tinawag nila ang kanilang grupo na "Guardians of Earthia!"

Wala na silang sinayang pang oras at sumakay na sila sa kanilang malupitang spaceship na may hugis na ganito, tingnan niyo nalang mahirap ilarawan! Basta malupit!

maxresdefault.jpg

Ang palabang spaceship ng mga Guardians of Earthia

Napatigil sa pagbuga ng fireballs sina 2tripleKen Doll at Pepe Co nang makita ang kakaibang spaceship na nagmula sa kalangitan! Inabangan nila kung sinu-sino ang mga lalabas! At bumungad sa kanila ang ang mga magaganda at sexy at mga gwapo at machong miyembro ng ikalawang pangkat, este Guardians of Earthia!

avengers-1.jpg

Guardians of Earthia

Nahuling lumabas ang pinakamalupit na lider ng grupo na si Master Beat aka DeShawn suot ang kaniyang malupitang costume na kulay red, sabay sabi....

"IF YOU WANT WAR, WE WILL GIVE YOU WAR!!! UMPISAHAN NA ANG DIGMAAN!!!"

Itutuloy....

@kendallron ikaw na ang bahalang dumurog sa kalaban! hahaha

U5dtkxR5jWuo6F4m19MqyPyx9i8HjVp_1680x8400.png

Unang Pangkat
@romeskie , @cheche016, @johnpd, @tpkidkai, @oscargabat, @valerie15, @julie26

Ikalawang Pangkat
@twotripleow, @beyonddisability, @jemzem, @kendallron, @rodylina , @jamesanity06, @chinitacharmer

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

  • Rescue
  • Transformation
  • Slavery

Tema ng ika- Anim na Serye

  • Sci-Fi

Mga Karakter

  • Hero: Guardians of Earthia
  • Villian: 2tripleKen Doll, Pepe Co, EXKO, etc

U5dtkxR5jWuo6F4m19MqyPyx9i8HjVp_1680x8400.png

Balik Biyaya

Mula sa pangunguna ni @toto-ph ng TagalogTrail, naisipan naming gumawa ng proyekto na kung saan ibabahagi namin ang mga natatanggap naming biyaya sa mga nangangailangan. Napagdesisyunan ng tropa na gamitin ang malilikom na halaga para sa "Pag-aralin kita benefit program" na kung saan isang mapalad na estudyanteng may kapansanan ang tutulungan naming matustusan ang kanyang pangangailangan sa eskwelahan, bukod pa sa tuition fee nito at ibang gastusin. Ang makukuhang payout mula sa TagalogSerye ay buo naming ibibigay sa estudyanteng aming napili. Maaari ka ding magbahagi ng tulong sa pamamagitan ng pag-upvote at resteem sa mga kwento ng TagalogSerye o kaya naman ay direktang magdonate ng SBD sa account ni @tagalogtrail.

Anumang halaga, maliit man o malaki ay malayo ang mararating. Always be a blessing to others. (credits to @johnpd)

Olodi_Maine_11.jpg

Maraming salamat kay @junjun-ph para sa malupitang banner na ito!

Sort:  

Ano baga iyang spaceship na iya-an? Sa langit baga ang tungo niya-an? Wahahaha.. Hindi lang si pinunong kron at deshawn ang nagsanib. Pati na ang kwento. Hahaha

Hahaha magtatago na ba aq sis? May mukha pa ba aqng ihaharap? Hahahhaa 🙈🙈🙈

akala ko kulay puti lang ang siopao... ngayon pala GREEN na din. nyahaha! ang lakas talaga ng impluwensya mo master @twotripleow pati mga inosenteng babae napapa-convert mo. sumuko ka na sa awtoridad! sobra na ang paghahasik mo ng green! nyahaha! 😂

Hahaha! Tigilan nu na kc ang paghahasik ng laGREEN! 😅🙈

hala nabuo na ang kwento
malakasang cross over ito ay
impiniti war na ire
katuwa eh.

Hahaha! Yun talaga sana ang gusto ko, digmaan sa dalawang grupo! Xempre tau ang bida at panalo 😄

Bilib din naman sa titser na ito kung paano gumawa ng kwento. Ang galing gumawa ng erotica este scifi pala haha. Tinira ni Dr. John ang mga babae gamit ang kaniyang malaking sandata at pagkaraan na pagkaraan ay nag-labas ito ng malapot na fireballs. Hahaha grabe sobrang lupit!! Olodi ka ngang talaga.

nyahaha! ituro mo Min-min kung sino ang pasimuno ng lahat ng kalaswaan kahalayan kababuyan kwento na ito. starts with the letter T and ends with the letter W 😂

Hahaha natuto aq sa nu lahat. Di ka exempted Jampol. Pero ang inyong pinaka lider talaga ay si T........W! 🤣

Hahahaha! Ang gagaling kasi ng mga masters ko. I learned from the best! 🤣

Congratulations @chinitacharmer! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Hahha grabe nagkanda lito lito na ako kung saang universe yung kwento. Kung sa amin ba o sa inyo. Nyahahahha

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 69774.83
ETH 3620.03
USDT 1.00
SBD 3.72