TAGALOG SERYE IV: Ikaapat na Bahagi ng Unang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

DQmQTCz9dbG6hN9mgCtpET1D1rqoYyjGmFNDmfvMNq7NE7x.png

Ang Nakaraan...

Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi
Ikatlong Bahagi

Makaraan ang isang linggo ay naayos na ang mga papeles ng magkaibigan. Kasama si Larah, ilang agent na kasama sa misyon at ang magkaibigan ay nagtungo na sila sa Shanghai, China.

“Ní hǎo!” bati ng isang Chinese agent na kasabwat nila sa misyon nang makababa sila sa sinakyang pribadong eroplano.

Nagtinginan naman sina Jayson at Darius dahil hindi nila maintindihan ang sinabi nito. Hindi nila alam kung dahil iyon sa may jet lag sila o baka naiwan nila sa eroplano ang huwisyo nila.

“Baka inihaw ang ulam natin mamaya. Sakto’t gutom na ako,” bulong ni Jayson sa kaibigan.

“Huwag ka ngang tanga, sa pagkakatanda ko, Chinese ‘yong sinabi niya,” komento naman ni Darius habang hinihimas ang baba niya na parang nag-iisip nang malalim. “Teka, bossing…call a friend.” Sabay kalabit kay Larah.

Pero hindi pa man nakapagtanong si Darius kay Larah ay agad na siya nitong sinagot, “Ni hao means hello.”

Magsasalita pa sana ulit si Darius pero hindi na niya nagawa iyon dahil may biglang nagsalita mula sa hindi kalayuan.

“Hey, Larah and friends! Nice to see you here!” bati ng nakangising lalaki na nakasuot ng sombrero at shades. Bumaling naman ito sa likuran ng dalaga at saka tinanggal ang suot na sunglasses. “My friends…” Ngumiti ito nang nakakaloko na siyang ikinakulo ng dugo nina Jayson at Darius.

“Mark! Bakit ka nandito?” asik ni Jayson sa dating kaibigan habang nakakuyom ang kamao.

“Simple lang. Para unahan kayo sa pagkuha ng diyamante.” Pagkatapos sabihin iyon ay agad itong tumalikod at naglakad papalayo sa kanila na kalmadong-kalmado.

“Hayop ka talaga kahit kailan! Amin ang diyamante! Hindi ko hahayaang maunahan mo kami sa pagkuha n’on!” Hahabulin sana ni Jayson si Mark upang sugurin pero pinigilan siya ni Larah.

“Huminahon ka, Jayson. Unang-una, wala tayo sa Pinas kaya hindi tayo puwedeng magkalat at makipagbasag-ulo na lang basta-basta rito. Pangalawa, magmadali na lang tayo sa pagkilos upang maunahan si Mark sa pagkuha ng diyamante,” kalmadong sambit ni Larah para pakalmahin siya.

Gaya nga ng sinabi ni Larah ay nagmadali na sila sa pagkilos upang makabuo ng plano sa pagnakaw ng diyamante kay Mr. M at kung paano malulutusan ang mga tao nito. Ginamit din ni Darius ang kanyang talino’t galing para ma-hack ang security system sa building ng Yuanhu Group. Napag-alaman kasi nilang sa mismong opisina ni Mr. M nakatago ang diyamanteng matagal na nilang pinagkainteresang nakawin.

Matapos ang tatlong araw na pagpaplano sa gagawing pagnanakaw ay napagpasyahan nilang isagawa ang plano kinabukasan. Kasama sina Jayson, Larah, at ang tatlong agent na kanilang back-up, ay papasukin nila ang building ng Yuanhu Group. Bagama’t alam nilang mahigpit ang security ng naturang building sapagkat gumagamit ito ng Thermal Sensing Security device na nagde-detect ng mga gumagalaw na bagay na lumilikha ng init, malaki pa rin ang tiwala nilang malalampasan nila iyon dahil sa dala nilang gadget na ginagawa silang invisible sa security device na iyon. Binili pa nila ang nasabing invisibility gadget sa pinagkakatiwalang supplier — ang Unitooop. Dahil mura na, sira pa! Saan ka pa?


video-camera-3121655__340.jpg
Thermal Sensing Security device


cyber-security-1937080_960_720.jpgInvisibility gadget

7.png

Kinabukasan ay naghanda na ang kanilang pangkat na siyang magsasagawa ng plano. Pati ang mga tauhan nila’y nagsimula na ring palibutan ang building upang magsilbing back-up kapag magkaaberya man ang plano nila.

“Ingatan n’yo ang gadget na ‘yan dahil diyan nakasalalay ang buhay n’yo. Huwag n’yo hayaang mabagsak, mabasa, o maabot ng bata iyan. Siguraduhing nasa bulsa ng pantalon ninyo iyan dahil iyan ang hihigop sa init ng inyong katawan para hindi kayo ma-detect ng kanilang security device,” paalala ni Darius habang isa-isang ibinigay ang gadget na binili nila sa Unitooop.

“Bakit ba kailangang sa bulsa pa ng pantalon?” usisa naman ni Larah.

“Dahil ang init ng ating katawan ay madalas na nanggagaling malapit sa parteng iyan,” seryosong sagot ni Darius.

Bigla namang napalingon si Larah sa kanyang kaliwa at saktong napalingon ang nasa kaliwa niya sa kanya. Nagtitigan sina Larah at Jayson at hindi namalayan ni Larah na gumapang na pala ang kamay ni Jayson para hawakan ang kanyang kamay.

“Ooooppps! Ang taas ng reading ng temperature meter ng gadget natin!”
Naputol ang mainit na eksena ng dalawa dahil sa pambubulabog ni Darius.

“O tapos?” naiinis na turan ni Jayson sa kaibigan dahil sa maling pagpasok nito sa eksena.

“Iwasan n’yo munang magdikit na dalawa dahil baka magkainitan ulit kayo sa loob. Gamit ang temperature meter na ito, mamomonitor ko ang init ng inyong katawan. Titimbrehan ko kayo kapag labis na ang init na nililikha ng inyong katawan na hindi na kayang higupin ng gadget na nasa inyong bulsa. Kapag nangyari iyon, kailangan n’yo munang tumigil sa pagkilos at kumalma upang bumalik sa normal ang inyong temperatura,” pagpapaliwanag ng henyong si Darius.

Tumango naman ang dalawa at muling nagtitigan ng ilang minuto bago ulit ito pinutol ni Darius.

“Kung wala na kayong tanong at handa na kayong lahat, kumilos na tayo’t baka maunahan pa tayo,” wika pa nito.

Nakahanda na sina Jayson, Larah, at ang tatlo pang agent upang pasukin ang building ng Yuanhu Group. Samantalang handa na rin si Darius sa kanyang puwesto upang magsilbing mata at tainga nila sa pagpasok sa building. Na-override na rin nito ang security system kaya magiging sisiw para sa kanila ang pagsagawa ng plano. Kung walang magiging sagabal, sigurado silang magiging matagumpay ang pagkuha nila sa diyamante.

Capture.PNG

Sa drainage ang naging pasukan nila sa building dahil ito ang pinakamadaling entrance nila sa loob. Kahit na marumi’t mabaho ay hindi nila iyon alintana. May suot rin naman silang waterproof suit kaya hindi sila madudumihan.

“Butasan n’yo ang ibabaw ng pangalawang tubo sa kaliwa mo, Jayson,” utos ni Darius na agad niya namang ginawa.

Nang matapos ang ginawang pagbutas ni Jayson ay agad silang sumuong sa ginawa nilang butas na iyon.

“Pumasok kayo sa ikalawang kwarto. Tapos pagpasok n’yo roon, pumasok ulit kayo sa ikalawang kwarto sa kanan. Bale limang kwarto ang papasukin n’yo. Tapos parehong sa ikalawang kwarto sa kanan kayo pumasok.”

“Ha?” sabay na tanong nina Larah at Jayson.

“Pinagtitripan lang yata tayo nitong si Darius e. Akala mo naman nakapasok na siya rito’t alam niya kung saan talaga papasok. Isa-isahin na lang natin ang kwarto at kumatok para magtanong,” komento naman ni Larah.

Kumunot naman ang noo ni Jayson dahil sa sinabi ng dalaga.

“Sundin n’yo na lang ako kung ayaw n’yong dumanak ang dugo n’yo sa lugar na iyan! May papalapit na sa inyong dalawang guwardiya kaya alisto kayo! Magtago muna kayo riyan at lumabas lang kayo kapag binigyan ko na kayo ng signal!” galit na singhal ni Darius kaya napalakas niya ang kanyang boses na dahilan upang sumakit ang tainga ni Larah at napaigting ito sa gulat.

“Aray!”

Dahil sa ginawang ingay ni Larah ay napalingon ang mga guwardiya sa kanilang pinagtataguan. Nakasandal lamang sila sa isang malaking makina at kung pupunta ang mga guwardiya sa kanilang gawi ay paniguradong yari sila.

“Huwag kayong maingay! Nasa likod n’yo lang sila!”
Napatakip na lang si Larah sa kanyang bibig at nagpigil na hindi makalikha ng ingay. Tagaktak na rin ang kanyang pawis dahil sa nerbyos. Parang hindi siya agent kung kumilos. Sabagay, nakatengga kasi siya sa opisina sa mahabang panahon kaya naninibago siya sa muling pagsabak sa mga ganitong sitwasyon.

“Kumalma ka, Larah! Tumataas ang temperatura mo!” saway ni Darius.

Dahil sa sinabing iyon ni Darius ay lalong nataranta ang dalaga at bigla na lamang may likidong umagos sa sahig.

“Ano ‘yan?” pabulong na tanong ni Jayson habang pinagmamasdan ang likidong iyon.

“Nawiwiwi ako sa nerbyos…” nahihiyang sagot naman ni Larah.

Dahil sa paglabas ng katawan ni Larah ng mataas na temperatura, hindi na nakaya ng gadget na higupin ito kaya na-detect ng security device ang kanilang galaw at umingay sa loob ng kwartong kanilang pinagtataguan dulot ng security alarm.

Itutuloy...

7.png

Mga Elemento sa Kwento

Diamond (Elegance, Wealth) - pera pasa ekonomiya ika ni Darius
Music Box ( Memories) - malungkot na karanasan ni Jayson
Blood (Life, Sacrifice) - nung namatay si Tony

Mga Karakter

Bida: The Reclusive Genius: Intelligent pero anti-social. [si Jayson]
Kontrabida: The Monstrous Adolescent: May taglay na malakas na kakayanan pero lubos na mapanganib. [si Mr. M]

Tema ng Ikatlong TagalogSerye

Action at Adventure

Unang Pangkat

@twotripleow Lunes
@chinitacharmer Martes
@cheche016 Miyerkules
@jemzem Huwebes
@johnpd Byernes

Ikalawang Pangkat

@itsmejayvee Lunes
@romeskie Martes
@jamesanity06 Miyerkules
@julie26 Huwebes
@tpkidkai Byernes

7.png

pinagkunan ng imahe: 1, 2, 3, 4

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

nabitin ako @jemzem dun pa talaga sa parte na un pinutol. nyahaha! paano ko tatapusin yan? kulang na kulang ang 1k words para dyan. nyahaha! 😁

Sorry talaga, @johnpd. Yan kasi e, nag-procrastinate pa kaya hindi na talaga naayos. Pero yakang-yaka mo naman 'yan lodi e. Ikaw pa? Malulusutan mo 'yan. Heheheeh. Pasensorry talaga sa struggle.

Amazing Post, nice one, keep it up bro

omaygad, pano na yan. ..intayin ko ito bukas

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64513.75
ETH 3146.11
USDT 1.00
SBD 3.95