TAGALOG SERYE VI: IKATLONG BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT

in #tagalogserye6 years ago

CAPTAIN BD.PNG

Ang Nakaraan...

Mula sa madilim na bahagi ng silid tumayo ang dalawang babae at lumuhod sa harap ni Dr. John D. Paul.

"Dalhin nyo sa akin si Master JackCold at Master MT," wika ng nababaliw ng syentipiko.

"Masusunod po Master Lee Bug", magkasabay na sabi ni Min-Min at Rodylina.

Sa isang iglap nawala silang dalawa.


4.PNG

Bumalik na ng Pilipinas si Captain BD para i-rescue ang dalawang kaibigan na nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Dr. John D. Paul. Hindi niya alam kung paano niya hahanapin ang mga kaibigan. Wala siyang ideya kung nasaan sila ngayon, kung may kinakain pa ba sila, kung nakakaligo pa ba sila, kung dalawa pa ba ang kidney nila, o kung ayos lang ba sila. Iniisip niya pa lamang na hindi nakakaligo ang dalawa ay naiiyak na siya.

Sa wakas ay nakarating na siya sa Pacific Ocean at tanaw na niya ang Pacific Ring of Fire na nangangahulugang malapit na siya sa Pilipinas. Makalipas ang ilang minuto ay langhap-sarap na niya ang polusyon sa hangin kaya batid niyang nasa bansa na nga siya.

Nang makalapag nang maayos si Capt. BD ay ikinumpas niya nang pasadya ang kumot na ginawang kapa para cool ang pag-landing niya at superhero talaga ang dating.

2.PNG

Naglakad siya sa runway ng airport dahil doon siya nag-landing. Kinuha niya ang kanyang cellphone na Nokia 3310 para sana subukang tawagan ang mga kaibigan. Pero bago niya nagawa iyon ay bigla na lamang itong nag-ring.

“Hello, Min-Min?” masayang bati ni Captain BD nang malaman na ang kaibigan ang tumawag sa kanya.

“Rafael, tulungan mo kami…”

“Nasaan kayo ngayon? Si Rodylina, kasama mo rin ba siya?” pag-aalalang tanong niya.

“Nandito kami sa dati nating tagpuan. Kung saan ang mga alaala ay kay tamis balikan. Na atin nang napabayaan at nakalimutan. Pumarito ka’t muli nating sariwain ang nakaraan.”

Ilang segundo na hindi nakapagsalita si Captain BD. Pero nang bumalik siya sa huwisyo ay agad siyang sumagot kay Min-Min.

“Hintayin mo ako at ika’y aking pupuntahan. Tumingin lamang sa itaas at ako’y makikita mong lumilipad sa kalangitan.”

Pagkatapos nilang mag-charotan ay muling lumipad si Captain BD papunta sa kanilang dating tagpuan.

Ramdam ni Captain BD ang hindi gaanong sariwang hangin habang lumilipad. Tanaw na niya ang bakanteng lote kung saan sila dating nagtatago-taguan (ng feelings) ng kaibigang si Min-Min. Magla-landing na sana siya nang bigla niyang naramdaman ang batong tumama sa kanya. Tinirador pala siya ng lalaking kasama ni Min-Min at Rodylina.

3.PNG

Ilang bato pa ang tumama sa kanya kaya nawalan siya ng balanse at pati ang built-in propeller niya’y nasira dahil natamaan din ng bato. Gayon na lamang ang pagbagsak niya sa lupa at napakasakit nga naman dahil walang sumalo.

“Dr. John D. Paul slash Master Lee Bug? P-paanong…” nagitla si Captain BD nang makita ang doctor. Pero mas ikinagulat niya nang hindi na lubos makilala ang mga kaibigan dahil nga hybrid na ang DNA ng mga ito dahil ginawa na siyang EXKO ng doctor.

“Alam kong alam mo kung saan nagtatago sina Master JackCold at Master MT. Kailangan mong ituro ang pinagtataguan nila dahil nasa kanila ang huling ingredient sa paggawa ng makapangyarihang EXKO. Kaya kung ako sa iyo’y sabihin mo na ang nalalaman mo kung gusto mo pang mabuhay itong mga kaibigan mo!” halakhak na sambit ng kontrabidang doctor.

“Dadaaan ka muna sa aking maskuladong katawan bago mo malaman na nasa Batangas si Master JackCold at nasa Malaysia si Master MT!”

“Kung ganoon, wig at pustiso mo lang ang walang latay!” nanlilisik na sigaw ni Dr. John D. Paul. “Butterfree, energy ball attack!”

Nang marinig ang utos ng kaniyang pokemonster trainer ay biglang pumula ang mata ni Rodylina at lumipad sa harap ni Captain BD. Tila nawala na nga ito sa sarili at hindi na niya kilala ang kaibigan. Inatake niya sa BD at ginamitan ng energy ball attack ayon na nga sa utos ng kanyang trainer.

“Freeeeee!” ani Rodylina na naging Butterfree.

Panay ilag lang ginawa ni BD dahil hindi niya kayang labanan ang kaibigan. Ang ginawa niya’y pinagbabato niya lang ito at baka sakaling mapasunod niya ito.
“Bumalik ka na sa loob ng pu-este-pokeball! Gotta catch ‘em all, pokemon!”

Pero mas lalo lang itong naging wild. Panay ang pag-atake nito sa kanya pero hindi niya talaga kayang lumaban sa kaibigan. Muntik na siyang matamaan ng Energy Ball na ibinato nito pero bigla na lamang may tumulak sa kanya.

“Kayo?” sabay na sambit ni Captain BD at Dr. John D. Paul nang makita kung sino ang dumating sa eksena.

“Humanda na sa kaguluhan!” ani Valerie.

“At doblehin n’yo pa!” Singit naman ni Tippy.

At naglitanya silang dalawa at umagaw na naman sa eksena para lalong guluhin ang nagkabuhol-buhol na istorya.

Itutuloy...

Narito po ang mga naunang bahagi ng TagalogSerye ng Ikalawang Pangkat:

Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi


Narito ang prompt ng TagalogSerye para sa linggong ito:

Mga Karakter

Hero: The Saviour: Karakter na handang magsakripisyo para sa iba Villain:

The Dark Lord: makapangyarihan na kalaban na ang kadalasang layon ay sakupin ang mundo

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

Rescue

Transformation

Slavery

Tema ng ika- Anim na Serye

Sci-Fi


pinagkunan ng larawan:1, 2, 3, 4

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Ay yes safe ako haha mystering mystery na ang dating. Baka maging pure drama ang kay Rodylina hahaa. Sure win na tayo ngayon pa lang haha.

Ate @jemzem winner ka rin gumawa ng comedy. Haha. Tawa ako nang tawa habang nagbabasa. Winner!

Congratulations @jemzem! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

hang saya.. naluluha ako sa saya wahahaahahaha

Miss ko na sumali sa tagalog serye :( Kaso, busy na ako masyado ehhh.. Huhu :(

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Grabe sila ang tanda ko na rule sa #tagalogserye 5 characters lang. Napakarami na nila ngayon at may Pokemon na din. Nyahahhaa

"Gotta catch them all!"

Go @jemzem use pabebe beam!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60986.03
ETH 2921.26
USDT 1.00
SBD 3.57