"Hindi na papatak ang luha"

in #teardrops6 years ago

image

Huwag magtaka kung bakit nagkaganito
Paulit-ulit na tinatanong kung ano ang problema
Huwag itangging hindi mo alam
Sinasabi pang wala kang nalalaman
Bakit nga ba nagkaganito ating kinahinatnan?
Luha raw kasi ay simbolo ng tunay na pagmamahal
Hindi matitiis kung makitang luha ay pumatak
Lalo kung namumugto ang mata, hirap makahinga
Patatahanin, ayaw nang mahirapan pa!
Hindi aalis sa aking tabi hanggang hindi ngumingiti
Kinabukasan ganoon na naman ang sistema
Tutulo na naman ang luha at hindi na kikibo pa
Aaluin mong muli matapos na lang ang pag-iyak
Naging ganoon madalas, nangyayaring madalas
Lumuha akong muli sa pag-aakalang may magpapahid
Naubos na lamang, hindi ka na dumating
Nag-iisa ako, anong bang dahilan nitong pagluha?
Nagulat akong hindi ko alam ang sagot
Hinanap kita, kailangang harapin ka
Malakas ang loob kong sumbatan ka pa
Wala ka kahapong ako’y muling lumuha
Malumay ang iyong tinig
Sa mga mata ko ikaw ay tumitig
Hindi ka kaagad nagsalita
Matagal kong hinihintay, sinabayan ko nang pagluha
……
“Iyan ka naman, lagi ba tayong magiging ganyan!
Iiyak nang walang dahilan, sa huli ako ang magpapatahan?
Kung itong pagsasama ay luha ang magiging puhunan
Magiging mapait ito hanggang kamatayan
Hindi ganyan ang nais kong maging ikaw
Hindi rin ganito ang nais kong maging tayo
Baka hindi rin ako ang dapat na mapasaiyo
Kung laging pagluha ang makikita ko
Tunuturuan mo lang maging mahina itong puso
Hindi magiging matatag ang kung anong mayroon sa’tin ngayon
Kung panay luha ang maaalala ko sa kahapon
Kapag handa ka nang pigilin ang iyong luha
At handa ka nang gamitin ito kung kailan lang tama
Doo’y handa akong magbalik
Na ngiti na sa mga mata ang magiging kapalit"

Photo Source: Pixabay


To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

image
image

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 62737.73
ETH 2925.66
USDT 1.00
SBD 3.50