"Kung Sinabi ko lang"

in #teardrops6 years ago

image

Sa pag tunog ng kampana
Sa pagtugtog ng isang kanta
Sa gitna ng titig ng maraming mata
Mga yabag at bawat lakad ng iyong paa
Yan ang nadatnan kong eksena
Pero bago ko dugtungan ang sumunod na pangyayare sa istorya
Akin munang ititigil at ibabalik ang lahat sa umpisa
Isang umaga habang ako'y nagsisimba kasama ang aking pamilya
Matimtim na nakikinig sa pari at kanyang misa
Ako'y nawala sa konsentrasyon at biglang nabalisa
Isang batang babae ba naman kasi sa aking tabi na naka takip ang mukha
Kung maka hilik ba naman ay sobrang lubha
Ginising ko na dahil nakaka abala na siya sa madla
Ngunit sa kanyang pagkabigla
Nasampal niya ako sa mukha ng di sinasadya
Ako'y nagulat at napatulala
Hindi dahil sa sakit kundi sa kanyang tinataglay na ganda
Kasabihang 'love at first sight' ay hindi ako kailanman naniwala
Ngunit kinain ko lahat ng sinabi ko ng siya'y makita
Tumigil ang lahat sa paggalaw at napatitig nalang ako sa kanyang mata
Yan ang eksaktong larawan ng ating simula
Sa pagpapatuloy ko sa pag alaala ng ating mga kabanata
Naging matalik na kaibigan kita mag mula noong bata
Sa tuwing may umaaway sayo ako ang nagsilbi mong taga protekta
Taga pagpatawa kung hindi ka masaya
At kung may sakit ka ako'y nagsilbing iyong taga aruga
Hanggang sa umabot tayo ng highschool nasanay na tayong palaging magkasama
Hindi mawalay sa isat'isa
Minsan nga napagkakamalan pa tayong tayo na
Pero sabay tayong umiling at atin nalang itinawa
Ngunit di mo narinig ang bulong ng puso ko na 'sana tayo nalang nga'
Di ko maipaliwanag itong pakiramdam magmula ng ika'y makilala
Pagtibok ng puso ko ay kakaiba at sobrang banyaga
Yung tipong sasabog ang puso ko kung di ko to isasalita
Kaya sa tuwing ako'y magtatangka na ang aking bibig ay ibuka
Kusa rin itong sasarado at sasabihin kong wala
Ako'y nabubulol, nauulol at kung may ano na pumipigil sa aking dila
Nanaig kasi ang pagiging torpe ko at kinain na rin siguro ng hiya
Ako'y natatakot, nangangamba
Na baka ang pader ng ating pagkakaibigan ay magiba
Na baka pag nalaman mo lalayo kanalang bigla
Kaya kahit minsan di ko sinabi ang mga katagang 'mahal kita, sobra'
Hanggang sa umabot tayo ng kolehiyo sinta
At itong nararamdaman ko ay mas lalo pang lumala
Noong hinawakan mo ang aking magkabilang mukha
Sabay sabi mo ng di ko inaasahang kataga
“Bes, kami na ni Lanz Gonzaga”
Kinilig kapa at halata naman sa pisngi mong sobrang pula
Para na ngang mapupunit yang ngiti mong hanggang tenga
Akala ko sasabihin mo na ang puso natin ay iisa
Ngunit kabaliktaran nito ang nangyari at katapusan na ng aking pag asa
Yan ang eksaktong larawan kung paano ang lahat ay nasira
Kung paano ang lahat ay napunta sa wala
Kung bakit ako naka tayo ngayon sa gilid ng simbahan
Kung bakit ito ang eksenang aking nadatnan
Kung bakit hindi ako ang naghihintay sa dulo ng iyong daang tinatapakan
Kung bakit hindi ako ang iyong tinitingnan
Kung bakit hindi ako ang papangakuan mo ng walang hanggan
Kung bakit hindi ako ang sasabihan mo ng ”I do” sa altar ng simbahan
Yan ang mga eksenang aking nasaksihan
Nagdulot sakin na maging luhaan
Dito tayo nagsimula sa simbahan ng di inaasahan
At dito rin pala sa lugar na ito ang ating katapusan
Paano kaya kung nabago ko ang ating kapalaran?
Paano kung nasabi ko sayo ang aking nararamdaman?
Mananatili pa rin ba akong isang manunuod ng inyong kasalan?
O baka ako na ang naghihintay sa dulo ng daang iyong pupuntahan?
At alam ko mangyayari lang ang lahat ng iyon kung sinabi ko lang
Kung sinabi ko lang na “Mahal kita, higit pa sa isang kaibigan”

Photo Source: Google


To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

image
image

Sort:  

Awesome story!!!! Nice.
Straight to the heart. Salamat!!!

Amazing @iamjeydii.
"Kung sinabi ko lang na “Mahal kita, higit pa sa isang kaibigan”

  • Sounds familiar, HAHAHA.. #SANA

Grabeeh pangsapol kaibigan

Hi, your post has been very nice. I am ready to vote and comment on all of them and hope you vote and comment.My steem id link https://steemit.com/@zarzish

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61293.86
ETH 2930.90
USDT 1.00
SBD 3.65