Kaunting Tips Para Matulungan ang iyong Karera sa Steemit (Para sa mga Minnow)

in #tips6 years ago

Every successful individual knows that his or her achievement depends on a community of persons working together - Paul Ryan

Hello Steemit Community.

Matagal tagal nadin ako sa Steemit, mga walong buwan na siguro. Sa kabuwanang ito, marami akong natutunan sa plataporma at nais ko sana itong ibahagi sa inyo ang aking mga natutunan sa aking karera lalo na sa mga Minnows.

  • Bingwitin mo ang mga Whales!

Ang isang "Whale" sa Steemit ay yung mga users na may malaking Steem Power o vests. Dahil sa mataas ang kanilang Steem power, may napakalaki silang Upvote Value. Ang mga upvotes na ito ay nagkakahalaga lamang ng "$50, $100, $200, o lagpas pa jan". Ang mga Steemit users gaya nila @thejohalfiles, @blocktrades, @donkeypong, @acidyo, at @surpassinggoogle, at marami pa ay isa sa mga bukod tanging mga whales. Tignan nyo ang kanilang wallet at ang kanilang Steem Power, jan mo makikita kung mataas ba ang kanyang upvote value. Lahat naman tayo gustong lumaki ang ating kita sa Steemit diba?

Kaya kailangan natin silang bingwitin! Atin silang hikayatin na pindutin ang upvote button. Papaano? Magsulat ka ng mga informative, entertaining, natatangi mong talento at pinagbuhusan ng effort na blog. Ang paggamit ng Markdown Cheatsheet din ay may malaking tulong upang mas maging presentable ang iyong mga sulat. Ito ay isang payo lamang kaibigan para mas maging presesntable at mabango ang iyong sulat sa kanila. Ang pagsend ng mga links para ipa-upvote o kaya ang paghihingi ng upvote para sa sulat mo ay hindi nakakatulong. Maniwala ka sakin. Hayaan mo silang mag-upvote sa post mo ng buong puso.


  • Makihalubilo sa Ibang Awtor

Makipaghalubilo ka sa mga sulat ng ibang Steemit users. Basahin at intindihin mo ang kanilang blog at ibahagi mo ang iyong opinyon, reaksyon, at iyong mga tugon sa kanilang post. Mas maigi ding bumisita ka sa [trending](steemit.com/trending] at hot na section dahil ang mga sulat na iyang ay nakakatanggap ng napakaraming interaksyon at upvote galing sa mga users. Ang resulta - kikita ka sa iyong comment, o kaya makuhamo sila bilang follower mo, o kikita ka sa iyong mga komento dahil sa kanilang upvotes dahil sa pagbisita mo sa kanilang blogs.

Kailangan mong maging engaging. Ito ang isa sa mga natatanging paraan para makakuha ka ng followers at magkaroon ka ng rekognasyon sa platapormang ito. Maniwala ka, mas magiging matagumpay ang iyong karera.


  • Gumawa ng Kalidad na Kontent

Ang Quality ay napakaimportanteng bagay sa Steemit. Alam nating lahat na ang "Content" ay ang pangunahing produkto ng Steemit (main brand). Ang ating blogs ay parang raw material para ang Makina ng Steemit ay gumana. Magsulat ka ng kalidad na kontent at pagbuhusan mo ito ng effort.

Bagaman ang Quality ay isang subjective na bagay, pinapayuhan kong magbuhos kayo ng effort sa paggawa ng inyong mga blog. Wag kang magpost ng My Daily Photography, Nature Photography, o kaya mga morning selfies.


Sumali ka sa mga Grupo (Steemit.chat at Discord Channels)

Ang mga grupo at komunidad sa Steemit ay isa sa mga perkpektong lugar para kayo lumago. Pareho tayong mga minnow, maging isa sa mga miyembro ng komunidad na ito :


Nawa'y Makatulong ang Blog na Ito

Maraming salamat Steemit friends sa iyong oras sa pagbasa ng sulat na ito. Lubos akong nagpapasalamat. Kung may komento ka, opinyon, o suhestiyon sa sulat na ito, wag mag atubiling itong i komento.

Maraming Salamat. Steem On :)

Photocredit : 1 2

Sort:  

Such a big help sir. Thankyou for those tips po.

Thank you ! , It's a great information for newbies! ^_^

Thanks sir! I'll put it on my checklist.

Salamat sa impormasyong iyong ibinahagi... 😊

..informative!
...salamat sa pagpost ani @jassennessaj

Lodi ka talaga @jassennessaj! Madalas talaga akong sumusubaybay sa mga tips mo! Another sets of points taken. Salamat! 🙌🏻✨

Im a newbie and i still have a lot to learn, this us really informative to me and other nmewbie.. Thank you ☺

@jassennessaj how to be a member of a group great post by the way. Helpful as always

hello master @jassennessaj , makakatulong po kayo sa akin :)
Still a Newbie :(

Salamat po sa information!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61219.98
ETH 2927.64
USDT 1.00
SBD 3.66