Trip to Korea: Gloomy Autumn (Filipino version)

in #travel6 years ago (edited)

P_20161024_165759.jpg

Nang magpa-book ako ng trip sa Korea, tinyempuhan ko talaga ang autumn. I was expecting autumn foliage scenes when I got my Korean VISA. Naghanda pa ako ng bonggang coat at jacket. Siyempre para sa pictorial. Pero dahil nasa South ang Jeju Island, last na pala ito na magtatag-lagas. Di pa nagbabago ng kulay ang mga dahon sa Jeju unlike sa Seoul nang dumating ako. So kung pupunta kayo sa Jeju Island (sa ayaw kumuha ng visa), be there around November or early December.

P_20161020_111430.jpg

Pero kahit late ang dating ng autumn, ang lakas naman magparamdam ng malamig na panahon. And I never thought that I will feel depressed. I am used to traveling alone. At kapag nag-a-abroad ako, lagi akong mag-isa na umalis at bumabalik ng Pilipinas. Except my recent trip to Hong Kong and Macau with family. Sa totoo lang, mas masaya akong mag-isa kasi sarili ko lang iniintindi ko. I don't feel lonely. Kaya ko naman kasing aliwin ang sarili ko at sanay akong makipag-usap sa ibang tao. The only time na na-depress ako sa Singapore dahil first time kong umalis nng Pilipinas. Pero naka-recover naman ako agad no'n. Kailangan ko lang palang magliwaliw ulit nang bongga.

P_20161022_161904_BF.jpg
*Boys from Busan when I got lost looking for my inn.

Korea is a happy place. Gusto ko ang tao. Gusto ko ang view. Aside sa occasional na pag-aampalaya sa mga lovers sa paligid at sa kawalan ng ma-sight na oppa (Opo. Madalang ang oppa sa Korea. Sa TV lang sila tumatambay. Di gaya sa Pinas na kada kabilang kanto may guwapo pero mababait sila), masaya naman ako.

Fourth day ko sa Korea no'n. Naglakad ako galing sa Seopjikoji at sobrang lamig ng panahon. After ng nakakapagod na alay-lakad, tumambay ako sa beach malapit sa inn na tinutuluyan ko. Gusto ko lang talagang titigan ang Seongsan Ilchulbong habang nagmumuni-muni.

Malamig ang hangin. Soooooobrang lamig. Tapos 'yung hangin may kasama pang buhangin na nananampal. Ang sakit, besh. Tapos sooooooobrang lungkot na parang gusto kong umiyak. Ibang klaseng 'yung lungkot. Parang iniwan ako ng jowa ko at nagpakasal sa iba. Yes, nakakaapekto talaga ang panahon sa mood ng tao.

Then it hit me. Sabi ng friend ko na si Sonia Francesca, marami daw nagsu-suicide kapag autumn at winter kasi sooooobrang gloomy ng panahon. Di naman po ako suicidal. Pero malungkot ako. Gusto ko nang umuwi ng Pilipinas no'n. Na-miss ko luto ng nanay ko (Gutom po ako lagi sa Korea. Puro maanghang kasi.) at ang pamangkin kong makukulit. Parang mamamatay na ako sa lamig at lungkot. Basta! Di ko maipaliwanag na kahit masayahing tao, pwede palang makaramdam ng ganoong klaseng lungkot na wala naman rason.

In-open ko 'yung internet ako sa CP at naghanap ng cafe. Posah! Walang lumalabas. Tapos sarado lahat ng resto na nadaanan ko. Parang nang-aano. E di 7-Eleven na lang ang tagapagligtas ko. Hanggang sa paglalakad, nakita ko may Filipino cafe.

P_20161023_170419.jpg

GAAAAAHD!!! Naiiyak ko sa saya no'n. Pagpasok ko naka-heater sila tapos parang nasa Boracay ako.

I AM HOME! Doon ko lang na-realize na homesick lang pala ako. May mga sosyalin pa silang mangga na di ko naman pinatulan kasi mahal. Nakapagtrabaho din ako doon. Yes, iniligtas ako ng Mango Ray mula sa depresyon sa Jeju Island. After lumaklak ng order ko at tumambay hanggang 7PM, feeling ko tao na ulit ako. Korean daw ang owner ng cafe at Korean din ang tauhan pero love na love daw ng Koreano nilang amo ang Boracay.

P_20161023_171449_BF.jpg

I don't know how other people fight homesickness or depression when far away from home. Pero para sa mga nalulungkot na gaya ko at nasa Jeju kayo, hanapin n'yo lang 'yung Mango Ray Cafe. Not sure if same din ang theme nila sa ibang Mango Ray Cafe na parang Bora. Basta masaya ako!

P_20161023_171918_BF.jpg
Nang bumalik ako sa Jeju recently, kasama ko na mga friends ko na sina Sonia Francesca at Heart Yngrid. Kinawayan ko na lang 'yung cafe. Sabi ko sa kanila lifesaver ko iyon. Saka papasok ang summer no'n kaya di na malungkot ang panahon.!

Tip: If magko-Korea ka, mas okay na may friend lalo na pag autumn o may kasama kang jowa or family para iwas sa sadness. Or mag-group tour ka.

Sort:  

Wow...beautiful place

I will try to post more trips next time.

I really love this of post @sofiaphr
I cant afford traveling so watching the images and reading how the authour express himself about this places is amazing.thanks for sharing this with us ,Im jouy fuul
Journey around asia is very fun. accompanied by autumn under cherry tree.
Thanks

Thank you for appreciating my post. I will post more travel tips next time. Abang lang po.

I will post more travel tips next time. Abang lang veery good post

Hope you enjoy Korea well. :)

I diddddd!!! Been there twice. Too bad I am missing the Winter Olympics :(

What is this language? All I know is that I love every post about korea 😂
Please follow and upvote my posts too :)

It is in Filipino. I will try to post more pics during my trip in Korea. Thanks for the comment.

Yes please do. Looking forward :)

Korea is one of the most beautiful destinations with its magnificent nature and charming dishes and also with high quality education system, thank you for this good subject.👍

I will write an English version for this one. But I don't think I will get used with the cold weather. Hahahah! Thanks for the comment.

Congratulations @sofiaphr, this post is the ninth most rewarded post (based on pending payouts) in the last 12 hours written by a Dust account holder (accounts that hold between 0 and 0.01 Mega Vests). The total number of posts by Dust account holders during this period was 17451 and the total pending payments to posts in this category was $4097.31. To see the full list of highest paid posts across all accounts categories, click here.

If you do not wish to receive these messages in future, please reply stop to this comment.

nice beautiful place

Indeed. Will post more photos soon.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 63161.84
ETH 3061.57
USDT 1.00
SBD 3.97