Hindi masabi na Pag-ibig #tula #pilipinas @iyam

in #tula6 years ago (edited)

Hindi ko alam, kung bakit para kang nauutal?
Sa tuwing mag uusap tayo, magsalita ka ay mabagal.

Ano ba ang nakikita mo sa akin, at ikaw ay nahihiya?
Ipagtapat na ang nadarama, upang tayo'y lumigaya.

Kaylan mo kaya masasabi ang tinitibok ng iyong puso?
Kay tagal ko ng hinihintay, mabanggit na ng mga labi mo.

Dapat mo ng buksan, ang nilalaman ng damdamin mo,
Baka maunahan ka ng iba, at huli na upang magsumamo.

Hindi na kailangan ng marami pang mabulaklak na salita,
Ang mahalaga ay mabanggit ang pagmamahal na talata.

Huwag ng magpaligoy-ligoy pa, ibulong na ang lahat sa akin,
Upang tayong dalawa sa araw-araw ay lagi ng magkapiling.

Sana ay masabi na, ang pag-ibig mong itinago ng kay tagal,
Isipin palagi na ako sayo, ay may lihim din na pagmamahal.


source

Salamat sa pagbasa
Please Follow @iyam
Upvote! Comment! Resteem!

Love, iyam 💕

Sort:  


thanks for posting steemitdavao tags,

Upvoted and resteem your post

From your steemitdavao family

steemitdavao bot.png

Thank you, sa lahat na nag vote. God bless us all!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 71181.66
ETH 3647.17
USDT 1.00
SBD 3.75