Katuparan ng matagal na pangarap... #tulapilipinas

in #tula6 years ago

Ako'y may pangarap na matagal ko ng inaasam

Sa maraming taon balisa ang puso, ng isang agam-agam

Tanong ko sa sarili, kaylan ko kaya ito makakamtan?

Upang maibsan na ang nadarama kong kalungkutan

Simpleng pangarap, na makasama ko silang lahat

Sana'y ibigay ng tadhana, at panahon ay maging sapat

Makita ko silang muli, makapiling at muling mayakap

Ito ang katuparan ng matagal ko ng mga pangarap

Tugon ng ating Maykapal sa aking mga panalangin

At ibinigay niya ang sagot sa matagal ko ng hinihiling

Na makita ko silang lahat, at muli kong makapiling

Sa aming pagkikita luha ko'y nangilid, at ito ay pumatak

Dahil sa sobrang saya ng puso ko, sa nadaramang galak

Mahihigpit na mga yakap, at halik ang ipinadama

Ang sarap na pagmasdan, lahat kami ay magkakasama

Kay na tagal ng panahon, ng huli kaming magkita

Sana'y marami pang pagkakataon, ang ibigay na kabanata

Dalangin ko sa ating Diyos, ibigay ang buhay na hinahagap

Hanggang wakas sana matupad palagi ang mga pangarap.

ANG PAYAK KONG PAMILYA, MAGKAKASUNDO AT PALAGING NAGMAMAHALAN...
32446433_1911551638895695_3971874069011234816_o.jpg

MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG MAG

FOLLOW!
UPVOTE!
COMMENT!
RESTEEM!

Sort:  

Upvoted and resteemed ❤️❤️❤️

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60918.56
ETH 2919.11
USDT 1.00
SBD 3.56