Lider, galing sa matatag at pamilyang nagkakaisa #tula

in #tula6 years ago (edited)

Matatag at pamilyang nagkakaisa yaman ng ating bansa

Pagkat dito natin makukuha ang lider na mahahasa

Kung sa bahay ay nagkakaisa, sapat na itong halimbawa

Upang piliing mamumuno, at magmalasakit sa kapwa

Kay gandang pagmasdan ang lahat ay nagmamahalan

Walang sigalot ang bawat isa, ay handang magtulungan

Matagal na sanang ang kasaganaan ay ating nakamtan

Kung mayroon ng umupo na pwedeng mapagkakatiwalaan

Ngunit kasabihan nga noon, ay hindi pa daw huli ang lahat

May panahon pang nalalabi, putulin ang mga nasirang ugat

Lahat ay may pagkakataon na sumama sa magandang adhikain

Basta nasa puso at isip ang kabutihan at mga tamang layunin

Kaya payo ko sa mga kababayan natin, sana'y pag isiping mabuti

Ang makahanap ng tunay, tapat at hindi pansarili ang minimithi

Ibigay ang kanyang tapang at malasakit upang siya ay magsilbi

Sa panahon ng pilian sa gustong maging lider, sila ay ating kilatisin

Ang mga kandito na gusto nating iluklok, ay dapat nating kilalanin

At ng hindi pagsisihan sa huli, ang mga desisyon na magagawa natin.


source

Akdang tula ni @iyam
Sana magustuhan nyo
Salamat sa pag
Upvote!
Comment!
Resteem!

Love, iyam 💕

Sort:  

Very true!! 👊👊👊 ☺️

Thank you @pingcess


thanks for posting steemitdavao tags,

Upvoted and resteem your post

From your steemitdavao family

steemitdavao bot.png

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 71181.66
ETH 3647.17
USDT 1.00
SBD 3.75