* M A G D A L E N A * #tulapilipinas

in #tula6 years ago (edited)

Sa tuwina aking nakikita, ang isang babae na nag-iisa
Siya ay may edad na, at sa mata niya ay aking mababasa
Malungkot ang kanyang mukha, ang ganda ay nababanaag pa
Seguro nga ay lumipas na, ang halimuyak ng kanyang kapa.

Sa hamon ng magulo, masalimuot at mapaghusgang mga tao
Kailangan niyang lumaban upang mabuhay na totoo
Habang pinagmamasdan ko siya, sa kinauupuan niya
Pakiwari ko ay nag hihintay, na may lumapit sa kanya.

Binalikan kong siyang muli, at siya ay ngumiti ng matipid
Ako'y nag-usisa at nagtanong sa mga taong nasa paligid
Nalaman ko sa kanila, isa pala siyang dating MAGDALENA
Lumipas na ang angking ganda, kaya siya ngayon ay laos na.

Nakaramdam ako ng awa at habag sa nangyari sa kanya
Sa edad niya ngayon, sana nga ay mayron pang maigaya
At makita niya muli ang daan ng pagbabago, at ng lumigaya
Dasal ko na sana, magkaroon pa siya ng tunay na pamilya.

Kahit ganoon pa ang nangyari, sa buhay ng isang babae
Hindi natin dapat husgahan, ano man ang nangyare
MAGDALENA man siya kung tawagin, sa tuwina ay isipin
Siya ay tao na marunong masaktan, may puso at damdamin.

THANK YOU FOR DROPPING BY:
Please..
FOLLOW! UPVOTE! COMMENT! RESTEEM!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 65231.30
ETH 2943.84
USDT 1.00
SBD 3.66