Sana ay muling magbalik.. #tula ni @iyam

in #tula6 years ago (edited)

Masakit mang isipin, nawala ka na sa tabi ko

Umaasa pa rin yaring puso, sa pagbabalik mo

Hindi nagkasundo noong tayo pa ang magkasuyo

Bakit kaya nangyari pa, na tayo ay magkalayo?

Pagmamahal ko sa'yo ay walang kapantay

At hindi ko ninais na tayo ay magkawalay

Ngunit ang panahon ay sadyang mapagbiro

Nagkagalit tayo, at hindi na ulit nagkasundo

Ano nga ba ang dahilan, bakit tayo nagkaganito?

Wala na bang paraan upang magkabalikan tayo?

Alam kong mahal na mahal pa rin natin ang isa't isa

Gusto ng magkabati, pagkat damdamin ay nagdurusa

Ngunit mayroong humahadlang, ano ba o sino ba?

Hindi kaya may bago na, at may mahal ka ng iba

Gusto kong paniwalaan itong nararamdaman ko

May nalalabi pa ring pagmamahal diyan sa puso mo

At may pag asa pa, na muli maging ikaw at ako

Sana ay muling magbalik, ang wagas na pag-ibig mo

Pagkat tunay na pagmamahalan ang mayroon tayo.


source

Sanay magustuhan nyo
Salamat sa lahat
Please Follow @iyam
Upvote!
Comment!
Resteem!

Love, iyam 💕

Sort:  

thanks for posting steemitdavao tags,

Upvoted and resteem your post

From your steemitdavao family

steemitdavao bot.png

Maraming salamat sa suporta @steemitdavao Group

Salamat sayo...@daisy23

Hey there, I'm Oatmeal Joey Arnold, and you are lovely.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 71181.66
ETH 3647.17
USDT 1.00
SBD 3.75