Tula: Ang Buhay Ko

in #tula6 years ago

B612_20160101_150231.jpg

Ako'y isang batang simple lang ang buhay
Kontento lamang sa mga simpleng bagay
Ayaw ko ding masangkot sa mga away
Dahil hindi ko gustong magulong buhay

Magulang ko ay ang aking inspirasyon
Kasi sa kahirapan kami'y binangon
At sa pagdurusa at ayaw ibaon
Kaya'y pagmamahal sa ami'y tinuon

B612_20160101_151107.jpg

Ang buhay ko ay nagkaroon ng kulay
Nang kaibiga'y dumating sa aking buhay
Sila'y nagbigay ng kasiyahang tunay
Na madadala ko sa kabilang buhay

Ngayon, buhay ko ay inyo ng nalaman
Simple lang ngunit puno ng kasiyahan
Na hindi mapapalitan nang sinuman
At hindi maihahambing kanino man

Maraming salamat !

Sort:  

Beautiful poem.
Steem On!

Take some imaginary @teardrops (Smart Media Tokens)

Thank you .

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 68035.11
ETH 3787.11
USDT 1.00
SBD 3.63