Dahil Ikaw ang Aking Summer

in #tula6 years ago

water-3326313_960_720.jpg
Photo source.

Ang init na iyong dala
ay sa akin ay nagpapasaya.
Tila nga ako'y nagtataka,
Oh Summer,
sayo ang pagiging bata
ay aking damang-dama.

Ang pagiging malaya
ay kaagapay at dagdag saya.
Ikaw ba ang aking pangarap,
na ngayon ay aking naaakap?

Sa iba'y tagtuyot ang iyong dala.
Bakit sa akin, ako'y sumisigla?
Pawisan. Amoy araw.
Ngunit nais pa rin iyong madalaw

Ang puso ko'y sumisigaw.
Na sana kung ako may naliligaw,
Sana sayo ay makahanap ng tirahan.
Sapagkat sayo lamang nakikita
ang kasiyahang di panandalian.

Sort:  

Ito na nga talaga ang summer @positivehype masarap magtampisaw lang sa dalampasigan. Bakit parang may tipo parin ng pag-ibig ang tulang ito hmmmm... siguro nasobrahan na ako sa pag-ibig na tula hahaha.

salamat sa mga salitang talaga naman ay nagbibigay inspirasyon @tagalogtrail! At hindi masamang pag-ibig ang lagi mong nababatid sa lahat ng tula na iyong maibigan. salamat ulit!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61113.33
ETH 2927.99
USDT 1.00
SBD 3.69