Uloghugot :Nang Dahil sa Pag-Ibig, Tinalikuran ang Siyudad, Luho at Hilig

in #ulog6 years ago (edited)

Narito ang aking kabahagi sa Pangalawang linggong ng mga ulog-hugot sa pantnugot ni kapatid na @sunnylife

Nang dahil sa Pag-ibig,
Tinalikuran ang Syudad, Luho at Hilig

Pagkatapos naming magtapos sa kolehiyo ay lumuwas kami sa siyudad, upang doon simulan ang aming karera, sa simula ay mahirap makipagsabayan sapagkat sanay kami sa probinsya, pero kinalaunan ay nagamay na rin namin ang buhay sa metro, hanggang sumunod na rin ang aking mga kapatid upang magtrabaho din at mag-aral.

Maayos ang lahat, maganda ang kita, nakakatulong sa mga kapatid at magulang , at nasasapatan ang mga hilig at luho, kahit na mahirap trabaho, ayos lang.

Subalit nagbago ang lahat ng ako ay nagbuntis isang taon pagkakasal namin, napakaselan ng aking pagbubuntis, pinayuhan ako ng doktor na magpahinga at kelangang nakahiga lamang ako for 3 buwan, subalit di pa natatapos ang tatlong buwan ay nakunan na ako nawala ang aming anghel, sobrang pagod at istres ang naging sanhi, wari'y gumunaw ang aking mundo sa nangyaring iyon, lumipas ang isanv taon di pa kami muling pinagkakalooban ng anghel kaya't nagdesisyon n kaming umuwi sa aming probinsya, iniwan lahat sa siyudad, kahit pa maganda ang trabaho inisang tabi naming magasawa upang makapamuhay ng simple malusog at walang istres, makalipas ang 5 buwan dininig na ang aming dasal, naging maingat kami at namuhay ng masaya...

FB_IMG_1534093369556.jpg
Jan 18, 2014 ipinagkaloob sa amin ang pinakamalaking regalo ng Panginoon sa aming mag-asawa, walang pagsisi sa aming desisyon, walang luho o sweldo ang mkakatumbas sa aking PIO...
FB_IMG_1534093483001.jpg

Nang Dahil sa PAG-IBIG ko sa aking asawa at sa aming anak, kaya kong Talikuran anumang luho o makamundong bagay...

Magandang Araw mga Kapatid!!!

Ilan samga larawan ay mula sa aking fb account.

Thank You For Dropping By!!!


Steeming to the Moon,



Always look at the brighter side ❤️❤️


received_10213053973727887.gif


This post was made from https://ulogs.org

Sort:  

so touching naman sis.
Your baby angel is watching you.
God bless your family
xoxo

Thank you sis... 😘😘😘

Dahil sa pag -big ay sapat na para mabuhay at harapin ang mga pagsubok sa buhay, lalo na may anak na kayong nagbibigay ligaya sa iyong pamilya. maraming salamat mam. sa kwento mo.

Salamat sir sa time,,, tama Ka jan, iba ang dalang. Ligaya ng anak talaga... 😊😘

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by avhyaceulip from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Gnda ng story mo sis

Thank you sis.... 😘😊

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63799.64
ETH 3130.40
USDT 1.00
SBD 3.97