#ULOG: POETRY - "KAIBIGAN"

in #ulog6 years ago

"Kaibigan"

cute-love-adorable-kid-child-couple.jpg

source: http://www.adorabletab.com/image/3078/

Naalala mo pa ba nung unang beses tayong nagkita
Nahihiya pa akong ka-usapin ka
Kasi hindi pa kita ganun kakilala
Nung una nag-ngingitian lang tayo sa isa't-isa
Pero habang tumatagal nagbabago na.

Ngayon matalik na kitang kaibigan
Kasama na kita sa lahat ng kolokohan
Kasama na rin kita sa bawat tawanan
Pero minsan hindi ma-iiwasang hindi tayo magka titigan
At ako nman kinikilig ng ako'y iyong tignan.

Isang araw nakita kitang masaya
Tinanong kita bakit nga ba
At sabi mo nman kasi nakita mo siya
Hindi ko magawang magselos kasi kaibigan nga lang pala kita
Kaya ako nman supportado na lang kung saan ka masaya.

Sinabi ko sayo ang tunay kong nararamdaman
Pero ako'y iyong pinagtawanan
Sinabi ko pa nga sayo na gusto kitang ligawan
Pero ayaw mo akong paniwalaan
Kasi sa tingin mo ang lahat ng ito'y pawang isang kalokohan.

Sinabi mo agad na pasensya na kaibigan lang talaga
At ako'y nasaktan ng sobra
Pero okay lang atleast alam ko na hanggang kaibigan lang talaga
Pinilit kong wag ng umasa
Pero hindi ko magawa.

Kaibigan lang dapat ang ang turing ko sayo
Pero bakit habang tumatagal ito'y nagbabago
Hindi ko magawang umiwas sayo
Pero ngayon tanggap ko na,na magkaibigan lang tayo
Kahit na walang tayo ikaw lang ang mamahalin ko.

Kaibigan sana wag tayong mag-iwanan
Sana lagi tayong magkasama sa lahat ng kulitan
Sana hindi mo ako makalimutan
Kasi ikaw ang aking naging sandigan
Kaya kaibigan sana balang araw tayo'y magkatuluyan.

Sana'y inyong magustuhan.

28169176_10208529921163820_261997774_o.jpg

Sort:  

this video is for using while curating #ulog as "true fans"

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 65262.74
ETH 2937.20
USDT 1.00
SBD 3.68