Ulog Hugot ( Nang dahil sa pag-ibig marami akong natutunan. )

in #ulog6 years ago (edited)


Sa edad na labing-pito (17) may nakilala ako sa paaralan namin na isang babae na ang pangalan ay Elsa na kasing edad ko rin, sa liit nang panahon nang aming pagkaka-kilala at pagsa-sama ako ay napa-ibig na sa kanya. At sa ilang araw na aking napag isip-isip, na mag sabi nang aking nadarama sa kanya, sa pamamagitan nang pag text sa cellphone. August 28, 2010 nag sama kami sa isang kasiyahan na malapit lang sa aming baryo, pero hindi ko akalain na yun din gabi nayun ako ay sasagutin niya.

Nag daan ang isang buwan, subrang sweet pa namin, wala pang away at palaging magkasama pag vacant time, sabay kumain at classmate sa ibang subject. First boyfriend niya ako so subrang sweet niya, may love letter pa siyang binibigay sa aking with pictures pa. KeyChing28 pa ang signature naming dalawa at tawagan narin namin , ako naman si key at siya si ching yun bang ako yung mon"key" tas siya yung mat"ching" at 28 ay yung petsa na ako ay sinagot niya.

Nag daan ang ilang monthsary namin na may away na kami, ako yung lalaking linulok na yung pride, para lang magka-ayos kami, ako yung lalaking hini-hintay siya na matapos yung klase nang mahal nya galit man siya o hindi at ako yung lalaking hinahatid siya sa harap nang bahay nila. Siya yung babaeng galit sa lalaking nag do-dota, kaya nung naging kami ayaw ko nang maglaro nang dota pero pag kami nag a-away nag lalaro ako kasi wala akong ibang magawa at yung dota lang ang nagpapawala nang lungkot pag kami ay nag a-away. Siya yung babae na ang taas nang pride pero siya rin yung babae na malakas mamigay nang gamit. Katulad na lang nung artificial na pakiwan, flower at iba pa at tinago ko lang lahat nang binigay niya sa isang box.

Every Christmas duon ako nakiki-celebrate sa kanila kahit ilang buwan palang kami at sa new year naman ay sa amin, at halos every month bumibisita ako sa bahay nila, para naman makilala ko yung parents at iba pa nyang mga kapatid.

Nag daan ang isang taon (1 year) subrang saya namin, dahil first time naming dalawa na maka abot nang isang taon sa isang relasyon. Pero sa hindi inaakalang pangya-yari sa buwan ng marso 2012 na mag ce-celebrate palang kami sa ika isang taon at pitong buwan (1 year & 7 months ) namin na relasyon ay pupunta pala ako sa kanila nang umagang yun para lang umiyak at magmaka-awa na balikan niya, hindi ko alam kung bakit siya makikipag hiwalay nuong una, pero pinilit ko siya na hindi niya ako hiwalay pero tahimik lang talaga siya at umuwi ako'ng luha-an.

Nuong hapong yun ay text ako nang text sa kanya at nag reply naman siya na kami na daw ulit. Pero dama ko yung cooldness niya at parang wala na talagang pag-asa na maba-balik ulit sa dati ang lahat. Pero yung nadarama ko ay pinag bahala ko nalang at inisip ko nalang na kami na nga ulit at sa sobrang saya ang ngiti ay hangang tainga.

Pero sa hindi ko inaakala sa sumunod na araw na yun ay may pinag tapat siya akin na may mahal na siyang iba. Pina pili ko siya ako ba, o yung bagong nakilala niya, pero mas pinili niya yung bago niya at kaysa sa akin. Dahil don ay na bigla ako at nasaktan nang subra, ay nabastos ko siya at yung lalaking bago nya ay nag text sa akin at sa galit ko ay hinamon ko nang suntukan.

Ilang buwan ako iyak nang iyak, at yung parents at kapatid ko ay awang awa na sa akin dahil nakikita na nila akong umiiyak nang subra. Kaya nung nag hiwalay kami duon ako tumatambay sa barkada namin na si jhonrey, umaga hangang hapon ako tumatambay duon para lang kahit saglit makalimutan ko yung babaeng inibig ko nang lubusan at pumatol na rin ako nang poser para lang makalimotan siya pero hindi rin nag tagal ang pag patol ko kasi yung isa kung malapit na kaibigan ay payo nang payo sa akin na tigilan ko na yang pag patol sa poser, kaya tinigilan ko nalang.

Isang taon rin ang dumaan hindi ko parin siya nakakalimutan at dumaan ang panahon ng "araw nang mga puso", at kaming mga magbabarkada ay dapat daw magkaka-sama ng araw na yun dahil mga single rin kami.

x.jpg

Naka akbay ulit ako sa kanya dahil sa request nang mga bardaka namin pero tinanong ko muna siya kung okay lang, okay laman daw sa kanya, kaya sa luob nang puso ko ay subrang saya ko. At nang gabing iyon ay nag tapat ulit ako sa kanya kung pwede bang man-ligaw ulit pero sinagot niya ako na "hindi pa daw siya ready." Pagka tapos nang fireworks ng gabing iyon, ay gusto pa nilang gumala at ako naman ay una na akong umuwi sa kanila dahil sa hindi ko na matiis yung pag luha ng mga mata ko.

Feb 17 nang taon ding iyon ay hindi ko makakalimutan ang araw na yun na nalaman ko nalang sa barkada namin na may bago na pala siya. Kaya ako ay naliwanagan at yung pag-ibig ko sa kanya ay naging puno nang galit nang araw na yun at kaya ako'y nakapag decision. Na mag move on na talaga at kalimutan siya, kaya sinabi ko sa sarili ko na bakit ako mag hihintay sa isang babae na wala na palang gusto sa akin, may babae dyan na mas deserving pang mamahalin.

Dahil sa mga pang yayaring iyon ako ay maraming natoto-tunan sa buhay pag-ibig.

Salamat sa pa contest @sunnylife


bloggif_5b667d3868ecc.gif
follow.gif
Upvote.gif
resteem.gif
iamedmjr.gif


Smartsteem

Sort:  

Congratulations @iamedmjr! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published 4 posts in one day
You published a post every day of the week

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

You can upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

salamat sa kwengtong pag ibig mo na naihugot mo
bata ka pa at alam kung mas marami pa dyan ang darating
na mas higit sa kanya.

Salamat sa pakikisaya samin. Mabuhay ka!

Sa edad kung yun ms @sunnylife ay na editalye ko pa sa kadahilanang siya lang yung babaeng minahal ko nang lubusan nung panahong iyon at sa ngayon okay na ako sa buhay may pag-ibig. sooner may next hugot is my present love life story. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 66167.71
ETH 3014.78
USDT 1.00
SBD 3.73