#ULOG 006 (7/7/18) : Masaya ka pa ba?

in #ulog6 years ago

IMG_20180707_141415.jpg

Tagalog Post

Masaya ka pa ba?

Napakabigat na tanong.

Masaya ka pa ba?

Ikaw Kamusta? Okay ka pa ba?

Ilang weeks na rin akong walang gana sa work. Hindi na rin ako nakakapagpost sa steemit. Kung pwede lang umabsent ginawa ko na sana. Mas tumaas ang census sa Unit namin. Mas tumaas ang dami ng mga pasyente pero di pa rin kami dinadagdagan ng staff. In short, sobrang pagod! Alam ko naman na kulang talaga ng staff pero maawa naman kayo!!! di na makatarungan. haha!

Ang mga pasyente sa Out-Patient Services estimated: 40+ obs package, 20 pedia, 2-4 surgery, 15 internal medicine, 1-2 famed.
4 staff lang ang umaasikaso sa lahat ng pasyente na yan.

D ba joke ito? Oo. rant post ito.. pagod na pagod lang talaga ako. :(

Di rin basta basta makapag leave dahil kulang na nga ng staff.

Tapos pag iisipan ka pa ng iba na lagi daw ako nag request ng off.. sure ka? sure ka sa sinasabi mo?

Napaka unfair. Pagod ka na nga pag-isipan ka pa ng mga kasama mo lang din. Kung may problema sila sa off days nila eh dapat sana sinabihan nila charge namin na hindi na sila nakapag off or malayo na ang gap sa off nila. Ganun lang naman yun.

Hindi ko alam.. Hindi na siguro ako masaya..
Baka sa darating na mga buwan makapag desisyon na ako na tumigil na. Malapit na rin naman ako mag dalawang taon.

Sana maging okay na ang lahat.. *sigh

To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Have a good day Steemians! Stay Focused and be happy!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61054.53
ETH 2976.59
USDT 1.00
SBD 3.65