#Ulog hugot 3( Pangalawang linggo na patimpalak ni @sunnylife)=Ang "clown" ng buhay ko

in #ulog6 years ago

image

Sa unang pagkikita...
Kahit konting kabog ng dibdib
Hindi ko talaga nadarama
Marahil ay ibang iba ka sa minimithi ko

Lumipas ang mga araw
Unti unti kong napapansin
Ang kabaitan mo sa akin
Paraan mo pala yon para mapansin kita

Hanggang dumating ang araw
Nagiging magkaibigan tayo
Nagtatawanan at nagkukulitan
Hindi ko namalayan gusto na pala kita

Gusto kita...
Marahil dahil mabait ka
Napapatawa mo ako sa simpleng biro mo
Natatawa ako sa paging "clown" mo.

Salamat sa iyo
Dahil ang lungkot ng buhay ko
Nalilimutan saglit dahil nandyan ka
Salamat aking "Clown".

Ang #ulog hugot na ito ay orihinal na gawa ko
Sana ay maibigan nyo muli
Ang inyong komento ay nasasabik akong mabasa
Ang larawan nman ay galing sa pixabay.

Sort:  

Salamat fellow #steemians sa pgboto. Ako po ay nagagalak at napansin nyo ang aking hugot.

grabee kilig much sis.
ang bilis mo sis.
sis bale yong 2nd week na topic - yon ang patimpalak:)
pero pede kang mag post ng mga hugot kahit ano basta mailabas mo lang ang dagat ihugot hehe
( bale yong 2, 3, 4 week sa contest yon lang sis patimpalak ko)
yong ibang hugot na kagaya nito waley ako regalo:(:(

Ok lng sis @sunnylife, at least naihugot ko ang mga saloobin ko sa steemit community ha'ha'ha. Masaya na ako at napakilig kita. Sayang d mabasa ng asawa ko cia ksi ang "clown" ng buhay ko noon, Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62559.43
ETH 3092.10
USDT 1.00
SBD 3.86