Poetry Entry#3: Talo

in #untalented6 years ago

Hi steemians, this is the 3rd time I wrote poetry. Enjoy reading :)

"Talo"
Written by: Mhelvilyn Gayetano

Ano nga ba sa tingin nyo ang meron sa Pagibig?
Pagibig na nakakapagpasaya o nakakapagpalungkot?
Pagibig na ewan kung saan nakuha
Pagibig na kelan ay hindi naging tama

Naaalala mo pa ba nung una nating kilala
Ambait mo sakin nun ng sobra sobra
Nginitian kita kasi ang cute mo at muka kang matino
Pero pag dating sa dulo ako ay iyong binigo

Hindi ko alam kung anong nangyari
Nagulat nalamang ako at napangiti
Nalaman sa iba na may nangyari
Ako daw ay iyong nililigawan ngunit di mo saakin sinabi

Hinayaan ko iyon dahil trip kita nung una
Ewan ko ba, di ko din alam tangina
Lumipas ang araw at mas nakilala kita
Sumabay ka saakin isang beses pauwi galing eskwela

Inasar ako ng aking kaibigan
Pinalampas ko iyon at nakipagpaligsahan
Unang mafall talo sa usapan
Isang linggo lang ang aming batayan.

Tayo ay nagusap, nagchat, nagkamabutihan
Nagkakilala at mas lalong nagkaintindihan
Sabi ko sa sarili ko "Yes nanalo ako mukang sya unang nafall"
Excited pako na ikwento sa mga kaibigan ko na sila ay natalo

Ngunit lumipas ang isang linggo ikaw ay hindi na nagparamdam
Tumawa ako ngunit ako ay nasasaktan
Nagkagusto ako sayo ng hindi ko alam
Ayun iyak ubos pera dahil talo sa usapan

Inantay kita kahit muka nakong tanga
Akala ko kasi nagaaral kalang talaga
Naamin ko din sa sarili na sige pagbibigyan kita
Pero anak ng teteng naman ako ay pinaasa

Tumigil ka at di nako pinansin
Akoy nasasaktan ngunit diko maamin
Tinry mo magmoveon pero wala talaga
Nahulog na talaga ako sayo tangina mo ka!

Isang araw gumawa ako ng paraan
Kinunstaba ko isa mong kabigan
Pinatanong ko kung ikaw ay may nililigawan
Ang sabi sa akin "Be wala daw, wala! mabilis kasi akong magsawa"

Ang sakit naman talaga ng kapalaran
Nahulog ako sa larong akin dapat pakikinabangan
Diko maintindihan kung anong nangyari
Napaiyak nalang ako ng diko mawari

Tapos na nga oo tapos na.
Ayoko nang saktan pa ang sarili ko ng sobra
Siguro nga hanggang dito nalang ang istorya
Istoryang unang nangyari sakin at nabigo pa.

Para sa lahat ng tao sa mundo
Wag "aasa" yan ang payo ko.
Wag makikipaglaro sa kahit kanino
Lalo na't pag ikaw ang talo siguradong iiyak ka dito.

Ngayon tatanggapin ko na.
Oo na! Oo na nga, na ako ay isang tanga.
Umasa sa taong wala na mang pagasa
Talo na ako sa laro. Talo na talaga.

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 67082.24
ETH 3475.61
USDT 1.00
SBD 3.17