Philippine Poetry and Song Contest #1, "Ang Paglisan"

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Ang Paglisan


296803.jpg



Kasabay ng samyo ng hangin mula sa silangan
Paghihintay ng pusong lubos ng nahihirapan
Ang iyong pagdating na wala, walang katiyakan
Tinangay ng matinding ihip patungong kanluran
Noo'y ikaw at ako sa dulo ng walang hanggan
Ang pagmamahal na dati nating pinagsaluhan
Pag-ibig pa rin kayang ma'tuturing ang ugnayan
kung isa na lang, hindi na 'tayo' ang lumalaban
Lahat ng nasimulan nagkar'on ng katapusan
Ang dating walang hanggan, nagkaroon ng hangganan
Dalawang mumunting letra lamang ang kinailangan
Upang ang naipon at pinalago'y matuldokan.
Puso'y nagdurusa, naghihimutok, nasasaktan
Paulit-ulit na tanong, "Ba't mo ako nilisan?"
Nangakong magmamahalan hanggang sa kamatayan
Subalit kamatayan mo ang aking kamatayan.



Sources: 1 2

Sort:  

Your post is great but this pics reminded me of great movie "Perfume"

Thank you. I didn't translate the words from Filipino to English. It's an entry to a contest. Is the movie 'Perfume', The Story of a Murderer? I guess I have to watch it.

100 tula para kay Steemit. Panoorin mo yun. Maganda ung story. :)

Isang daang tula para kay Stella. Sobrang gustong-gusto yun ng kapatid kong si @krizia. Crush niya kasi si JC Santos.

Haha! Kagabi ko nga lang nakita yung actor na yun. Ang cute nya nung sa bandang huli na ng movie.

Nasa On the Wings of Love siya kasama si James Reid at Nadine Lustre tsaka yung "Kung Sakaling Hindi Makarating."

Kaygandang tula! Salamat sa suporta at iyong gawa @keevasaidore!

Best of luck, kabayan! :)

Walang anuman @jassennessaj! At maraming salamat din sa'yo.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 65457.15
ETH 2939.01
USDT 1.00
SBD 3.68