Word Poetry Challenge #9 : Maskara


Source: Pixabay

Paglabas ng babae mula sa teatro
Lahat ay nagsisigawan. Dinudumog.
Kuha ng litrato, kaliwa't kanan.
Pala-ngiti. Pala-tawa.
Di na nahinto ang pagkaway ng kamay.

Napakaganda sa kasuotan niyang
kumikislap na parang mga tunay na bituin.
Mamahalin. Nakasuot ang mga diyamante
Mula sa tenga, kamay, at leeg.
Mga kababaihan ay gustong maging siya.

Dumaan ang napakagarang sasakyan.
Bago siya sumakay, mahal ko kayo!
Mga salitang kanyang iniwan
sa mga taga-hanga.

Pagkasakay sa sasakyan,
Siya ay nag-iiyak.
Kinuha ang kanyang gamot,
ito ay pampakalma.

Mga senaryong ito
ang kanyang pinagdadaanan.
Sa tuwing paglabas,
siya ay nakangiti.
Tila parang naka-maskara.
Ang sakit ay kinukubli.

Nasa sukdulan ang kalungkutan,
siya ay may depresyon.
Nagpapasaya ng mga tao
pero sa sarili ay walang nagpapasaya.
Dahil di niya masabi
ang tunay na nararamdaman.



Please vote for @surpassinggoogle as @steemgigs, and @good-karma as witnesses.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64513.75
ETH 3146.11
USDT 1.00
SBD 3.95