"Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas"

in #wordchallenge6 years ago

download (1).jpeg
Pinagkunan ng imahe

Ang nahihimbing na bansang pinukaw
Ng mga parusang ipinataw
Paghihimagsik ang nangingibabaw
Nguni't ang mga pilipino'y hindi umaayaw.

333 taong sinakop ng mga kastila
Ang bansang pilipinas na kay awa-awa
Ginawang alipin ang mga pilipino
Trinatong basura, dinurog ang puso

Maraming buhay ang nawala
Maraming babae ang ginahasa
Maraming bayani ang pinatay
Ang kanilang buhay ay inalay.

Dugo at pawis ang puhunan
Para matamo ang kalayaan
Na inaasam-asam ng bayan
Upang maging masagana ang kabuhayan.

Sort:  

ang ganda ng simula medyo nabitin po ako :)
maraming salamat po sa pagsali
good luck

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61185.89
ETH 2933.50
USDT 1.00
SBD 3.68