Word Poetry Challenge #12 : "Kalayaan" | My Entry

in #wordchallenge6 years ago (edited)

balcony-1834990__480.jpg
Pinagkuhanan ng litrato


"KALAYAAN"
Katha ni: @blessedsteemer
🙏


Salitang kaylalim at malawak ang kahulugan,
At sa mura kong isipan,ay di ko maintindihan.
Kaya naman ang diwa ko ay naguguluhan,
Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang "Kalayaan"
.


Sa lugar na aking kinalakhan,
Marami akong nasaksihan.
Mga taong sadlak sa karukhaan,
Gusto magkaroon ng kalayaan sa buhay na kinasasadlakan
.


Ang iba ay nangingibang bayan para mabigyan ang mga anak,ng magandang kinabukasan,
Upang mahango sila sa buhay ng kahirapan.
Nagpapaalipin sa ibang bansa,
Upang sa kahirapan ay makalaya
.


May mga taong ubod naman ng yaman,
Lahat ng nais niya ay puwede maisakatuparan.
Ngunit puro hinagpis ang kanyang kalooban,
At tanging hiling niya ay makalaya sa poot ng bilangguan
.


May isa rin akong kaibigan na kaysaklap ng kapalaran,
Nagmahal, Nagpaubaya, Nasaktan at iniwan.
Pakiramdam niya ang mundo sa kanya sinukluban,
At tanging hiling din niya ay makalaya sa nakaraan
.


Dito sa ating bayan ay atin din ito ipinagdiriwang,ang araw ng kalayaan,
Kalayaang tinatamasa ng ating bayan.
Kalayaang pinangarap at ipinaglaban,
Mula sa mananakop na mga dayuhan
.


Salitang kay iksi ngunit ang kahulugan ay napakalawak,
Halos di mo maarok ng limitadong utak.
Ngunit isa lang sa akin ang tumatak,
Ang "kalayaan" ay isang salitang dulot ay kaginhawaan
!


Ito po ang aking lahok sa patimpalak na ito ni ginoong @jassennessaj! At sana magustuhan po ng ating hurado na si binibining @mhelrose ang aking kathang tula sa patimpalak na ito. At kung loloobin ng Panginoon na manalo ako dito ay aking po itong magagamit sa aking patimpalak,upang lahat ay masaya. Maraming salamat po at mbuhay po tayong lahat!💪👍

Ang inyo pong abang lingkod;
@blessedsteemer
🙏


Hanggang sa muli!


blessedsteemer.png

QmQMv2EQTAfvizBChe6TZfeZQMrZVpwxzDHFs9fnthE33G.jpg

gvlogoforfooter.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png


Vote my witness; @steemgigs; @ausbitbank; @cloh76; @precise and @good-karma

received_1948987111801248.png

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 59071.36
ETH 3001.95
USDT 1.00
SBD 3.66