✎✎ Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas✎✎

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

Magandang araw sa lahat lalo na sa mga mambabasa ito po ay ang pangalawa kong ilalahok sa patimpalak. Ako po ay galak sapagkat ako po ay nakasali sa patimpalak na ito, ang ganitong klase ng patimpalak ang kahanga-hanga layon nitong maipakita ang angking galing ng Pilipino sa paggawa ng tula. Nais ko pong sanang bigyan ng pasasalamat ang may gawa nitong patimpalak @jassennessaj mabuhay ka kapatid at higit sa lakat ang Poong Maylikha sa pagbigay nang kaalaman upang makagawa ng sarili kong tula. Ang tulang ito ay nagawa dahil sa sadyang napakagandang patimpalak, ito ay patungkol sa lumang litrato ng aking mga pinsan na ngayong nagkapamilya ang iba'y lumisan at mangibang bansa at ang iba'y di ko na alam ito ay aking na isip na gawan ng tula dahil sa sadyang napakadali talaga ng panahon.Inaanyayahan ko po ang lahat ng Pilipino na sumali at ibahagi ang natatanging talento sa paggawa ng tula, sana'y inyong suportahan at tangkilikin ang patimpalak na ito sa pamamagitan ng (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala).

Tila mosmos pa nang sila'y makunan
Wari'y naroon pa sa walang kamuwangan
Kahapon ay parang kailan lang
ito'y napakahirap balikan

Ngunit ano kaya ang dahilan
Nang kanilang unti-unting paglisan
Ang Iba'y di ko na nadatnan
Iba'y di ko na nasilayan

Mga pamangkin ni ama't ina
Mga edad dalawa, tatlo, hanggang siyam
Kung sadyang iyong minasdan
Tamis ng ngiti ng kamosmosan

Hinding-hindi ko man ito mababalikan
Ito'y nakatatak na sa Isipan
Mananatili magpakailanman
Larawang kupas and sadyang daan

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by brapollo29 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64605.91
ETH 3159.61
USDT 1.00
SBD 4.11