Word Poetry Challenge #1: Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago (edited)

116A47E6-23AB-40D8-BDE5-FEF014EA7B7D.jpeg Image Source

Larawang Kupas

Isinilat ni: @christianyocte


Nakatago parin ang isang larawan
Na kaytagal ng iniingatan
Kamukha ng isang pag-ibig
Na kaytagal sa puso ay pintig

Simula ng napulot ito
Mundo ay sadyang nagbago
Isang ‘di karaniwang kasiyahan
Ang dulot kapag ito’y nasisilayan.

Sa bawat panahon na lumilipas
Dahan-dahang larawa’y kumukupas
Kaya ikaw ay hahanapin
Pag-ibig mo ay maaangkin

Ngunit sadyang huli na
Kamay mo’y may hawak ng iba
Binihag na ang iyong puso
Mamahalin parin kahit sa malayo.

Panahon ay lumilipas
Larawan ay kumukupas
Pagmamahal ay mananatili
Tanging pag-ibig ang magwawagi


Sana pa ay inyong nagustuhan itong aking isinulat na tula. Ito po ang aking entry para sa wordchallenge ni @jassennessaj. Kung gusto ninyong sumali maari nyo pong basahin itong post.

C6B2E964-B866-4881-8A54-6C22F0FB4D6C.jpeg

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by christianyocte being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64400.33
ETH 3140.71
USDT 1.00
SBD 3.93