"Word Poetry Challenge #12 - "Kalayaan"

in #wordchallenge6 years ago
Maligayang pagbati sa lahat narito po ang aking opisyal na lahok para sa panibagong yugto ng word poetry challenge ni ginoong @jassennessaj na may temang "KALAYAAN"

"KALAYAAN"



image

https://pixabay.com



Kahirapan ay tumitindi
Kaguluhan ay lumalala
Pagka-kaisa ay nawawala
Tayo ngayon ang kawawa

Ang mga isla natin ay kinakamkam
Sa yamang tubig ay pinagbabawalan
Kagubatan ay nakakalbo
Yamang mineral ay naglalaho

Tayo'y alipin pa rin ng mga dayuhan
Sa sariling bayan ay pinagtatabuyan
Itoy wala na nga bang katapusan
Ang diwa ng kalayaan ay nasaan?

Anu nga ba ang ating ipinaglalaban
Kung si inang bayan ay napabayaan
Tila atin ng nakakalimutan
Ambag ng ating mga bayaning nakipaglaban

Dugo at pawis ang ipinuhunan
Sa salitang malalim ang pinagmulan
Isinan-tabi ang kanilang kapakanan
Para makamtan ang kasarinlan

Ito'y pamana ng kabayanihan
Na ating ngayo'y pinagsasaluhan
Kelan nga ba natin makakamtan
Ang tunay na "Kalayaan"?

Tanong sa aking isipan,
Malaya na nga ba ang ating bayan
Anu nga ba ang kahulugan
Ng salitang "Kalayaan"


Marami Pong Salamat Sa Pagbasa!!


Kung nais lumahok sa patimpalak na ito mangyaring wag mag-atubiling tapikin ang link na ito para sa karagdagang impormasyon wordpoetrychallenge


Steemitly yours

cradle

image

Vote "steemgigs", "cloh76", "ausbitbank" for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in into the first search box for witnesses.

image

Support his other brainchild projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, #steemsecrets and #ulogs.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
Join us at Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us at Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us at Gratefulvibes Family on discord | https://discord.gg/JYUnUWV

image


image

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63900.40
ETH 3140.82
USDT 1.00
SBD 3.98