Word Poetry Challenge #11 : "Pagsubok"

in #wordchallenge6 years ago

IMG_20180727_225453.jpg

Suko na

Aking naalala singkit mong mga mata,
Mga ngiti at huni sa t'wina.
Tila ang buhay ay simple at napakasaya.
Walang bahid ng pagsubok, totoo ba?

Presensya'y nagsisilbing saya sa lahat.
Pagod sa buong araw, napapawi nya
Sa sandaling panahon, ika'y napalapit.
Kaya isipa'y nagtataka at nagtatanong ng "bakit?"

Ngunit sa likod ng mga ngiti at huni
Lungkot pala'y pilit isinasantabi.
Walang nakapapansin hirap na nadarama,
Tila sumisigaw "Pagod na ako, Ayoko na".

Pagsubok na tila sumubok,
Sa pagkataong marupok.
Malungkot mang isipin,
Sya ay sumuko na sa huli.


Magandang gabi!! Ito ang opisyal gawa para sa patimpalak na Word Poetry na may temang Pagsubok. Itong aking tula ay base sa mga unang salitang pumasok sa aking isipan ngayong gabi.
Ang tulang to ay hango at aking Inaalay sa aking kuting na binawian ng buhay ngayong gabi. Huhu. Siyang 1 bueang gulang pa lamang ngunit sa maiksing panahong iyon nanatili syang masaya. Kumpara sa mga nagdaang kuting sa amin, sya'y naiiba. Puno ng ngiti at lubhang di na uubusan ng dahilan upang makipag laro. At yun din ang aking ipinagtataka, kagabi lamang ay napakasigla nya. Umalis ako ng aming tahanan kaning umaga at natanghayan ko pa ang mga ngiti nya. Ngunit ng ako'y makauwi, naabutan ko siya sa hagdan ng wala ng buhay. Lubhang nakakalungkot. Ngunit sa kabila ng ito ay may dalawang bagay akong natutunan.
Una, ang buhay ay maiksi lamang. Lahat tayo'y may pinagdadaanan hindi lamang ikaw. Marahil mas matindi pa ang pinagdadaanan ng iba kaysa sa atin kaya pilitin natin maging mabuti sa kanino man. Mahirap pero kung para naman sa mga taong mahalaga at may halaga sa atin, bakit hindi di ba?
At pangalawa, piliin mong maging masaya. Kailangan natin tanggapin ang katotohanan na hangga't nandirito tayo sa mundo hindi tayo mawawalan ng problema. Pero may kakayahan tayong pumili ng ating magiging akson sa lahat ng nangyayari. Uulitin ko, mahirap. Lalo na't kung ika'y nasasaktan, pero pakatandaan din natin na ang pagiging masaya ay higit pa sa emosyong nadarama. Kundi ito ay desisyong pinaninidigan.

Thank you for reading! ✨

videotogif_2018.07.06_00.20.36.gif


Hi guys!!
I highly encourage you all to vote @steemgigs as your witness to show our support for @surpassinggoogle. Just type the witness' name on the first box.

vote

Sort:  

Kawawa naman si mingming 😞

Huehue alam mo yan. Wawa si naw naw

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 70439.87
ETH 3810.76
USDT 1.00
SBD 3.44