Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago

"LARAWANG KUPAS"

IMG_20180509_092536.jpg

Katha ni: Binibining Queenie T. Ynot


Larawang kupas, nakalimutan man ng panahon,
ngunit sa aking isipan ay di malilimutan.
Larawang kupas na sinubok man ng panahon,
ang halaga nito'y di parin mapapantayan.

Larawang kupas, na kahit masaya man sa aking paningin,
nagbibigay parin ng masasakit na nakaraan sa akin.
Na tila ba sa larawang kupas na ito, ang saya-saya natin.
Ngunit sa aking ala-ala hindi ka naman naging masaya sa akin.

Hindi ko lubos maisip kung bakit humantong tayo sa ganito.
Na tila ba'y kahit minsan di tayo nagkakatagpo.
Akala ko na masaya ka noon na naging tayo.
Ngunit hindi mo naman pala talaga ako gusto.

Pilit binabalikan ang mga ala-ala.
Mga ala-alang akala ko masaya tayong dalawa.
Masasayang ala-alang sa larawan nalang makikita.
Sa larawan nalang tayo mananatiling masaya.

Ngunit makupas man ang mga larawan nating dalawa,
mananatili ito sa aking ala-ala
Mawala man ang kulay ng ating mga larawan,
di ito mawawalan ng kulay sa aking isipan.

Sort:  

Nice one, Queenie! Maypa ka. Han-ay kaayo ang poem 💓

Nabasa ko ang iyong katha ate @chastityyy110. You did great! 😉

Napakasolidong gawa. Ako'y lubos na nagpapasalamat sa iyong paglahok, kabayan! Palarin ka sanang manalo.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64605.91
ETH 3159.61
USDT 1.00
SBD 4.11