Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas
Ako'y dinadala sa mga alaalang mahirap kalimutan,
Sa silid na maalinsangan, tagpong binabalik-balikan.
Isang gabing magdamagang usapan,
Pinawi ang tampo dahil pagbisita na ay madalang,
Dahilan ay trabaho sa ibang bayan.
Pagpatak ng luha ay pilit pinipigilan,
Ngunit matalas ang kanyang pakiramdam.
Kaya't tanong niya anak ikaw ba yan,
Sabay bigkas sa aking pangalan na walang pag alinlangan,
Sa boses ko'y kabisadong kabisado at may kasiguraduhan.
Walang ka kurap-kurap at maluha-luha,
Dumodurog sa puso ko ngunit walang magawa.
Gusto man akong abutin at yakapin ngunit ito'y manina na,
Kamay nanginginig ang humaplos sa aking mukha,
Kahit napapangiwi pero di alintana ang sakit na iniinda.
Sa mga mata ay nangigilid na mga luha,
Habang tinatago ang sakit na nadarama.
Matagal na karamdaman at ika'y pinahihirapan,
Sakit na dumapo ay dina kinaya at mata'y binulag na,
Dahilan ng pagtanda at panghihina.
Iniwang bakas ay sariwang-sariwa pa din,
Ang alaalang nakatago sa aking puso at isipan.
Pagmamahal ng isang ama ay walang katumbas,
At ipinadama hangang sa huling hininga.
Isang kayamanang kahit kailan di makakalimutan.
At may pagkakataon na muling gunitain at balikan,
Ang isang gabing huling nakasama ka.
Tandang tanda ko pa pukol na tingin ay kakaiba,
Ngumiti ka sa akin at mata'y marahan na isinara,
Hudyat na pala ang pamamaalam natin sa isa't isa.
Tuluyan mang kumupas o mabura ang mga larawan.
Hinding hindi ka namin makakalimutan,
Dito sa aming Puso 'di mabubura kahit kailan.
Maraming salamat, hanggang sa muli
Dito Larawang Kupas
(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
(logo created by @bloghound)
galing mo master president :-) go go go :-)